Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit ba ayaw ng DILG magbanggit ng pangalan?

NOON inianunsiyo ng DILG bago mag-eleksiyon na may mga sangkot na barangay captains, mga alkalde, gobernador at iba pang politiko, pero natapos ang eleksiyon wala rin, anyare? Ngayon heto na naman ang anunsiyo ng DILG, aalisan daw ng police supervisory powers ang may 181 alkalde at walong gobernador sa bansa. Muli hindi na naman tinukoy ang mga pangalan. Parang hinihintay na makiusap sa kanila ang local officials at kung anoman ang usapan sakaling mawala sa listahan ang pangalan hindi ko alam…

***

Ang pangunahing rason ng DILG, dahil sa pagkakasangkot sa illegal trade ng droga. Sino ang mga pulis o ang mayor o gobernador? Pareho siguro, ang pulis ang nagsisilbing courier!

Dapat binabanggit na agad. Pabitin-bitin pa itong DILG! Pero teka paano naman ang kaligtasan ni mayor at gobernador gayong mas hasa sa training ang pulisya.

Ibig ninyong sabihin malaki na ang tsansa ng mga security guard maging bodyguard/security ni mayor?

Hindi kaya sa desisyong ito ng DILG bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sankaterbang alkalde ang posibleng matumba? Ano sa palagay n’yo? Ala-tokhang si mayor! Tokhang si gob!

***

Sakaling mapagtibay ang menstrual leave para sa kababaihan, malaking bagay ito dahil mahirap talaga ang nakararanas ng matinding dysmenorrhea o sakit ng puson dahil sa buwanang bisita ng kababaihan.

Magandang ideya ito kaya naman masusing pinag-aaralan ito ng DOLE pero dapat mayron din medical certificate na ipapakita ang empleyada, baka kasi nenopause na palilitawin na may dysmenorrhea! Puwede ‘di ba? ‘Yun pala out of town lang at naglamyerda!

***

Sa pamagitan ng kolum kong ito, nais kong pasalamatan si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, si Pasay City General Hospital Director Dra. Malou Ocampo at lahat ng doktor sa Department of Surgery sa pamumuno ni Dr. Wallace Medina, laking pasasalamat ko sa inyong lahat dahil sa pag-asikaso sa aking kapatid na bagama’t ‘di pa batid ang kaligtasan, sanay gabayan kayo ng ating Panginoon sa oras ng operasyon ng aking kapatid!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …