Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Daniel at Karla, may kasunduan: ‘Di sila maghihiwalay

SABAY na nag-guest sa Magandang Buhay kamakailan sina Ian Veneracion at Daniel Pailla. Kaya sabay silang pinag-guest sa nasabing morning show ng ABS-CBN 2 ay dahil close sila. Nagsimula ang friendship nila noong nagkasama sa defunct drama series ng Kapamilya Network na Pangako Sa ‘Yo na gumanap sila rito bilang mag-ama.

Nahilig sa motor si Daniel dahil naimpluwensiyahan siya ni Ian na mahilig mag-motor. Pero ayon sa mommy ni Daniel na si Karla Estrada, isa sa hosts ng MB, natatakot siya kapag nagmo-motor ang anak.

“Ang kaluluwa ko, hindi kayang nagmo-motor si Daniel. So kung hindi si Tito Ian niya, o si Papa (Rommel Padilla) niya ang makakasama niya (na nagmo-motor), hindi ako talaga (pumapayag),” sabi ni Karla.

Patuloy pa niya, “So kapag magpapaalam siya, tapos dadaan siya riyan sa kalsada, wala akong pahinga sa nerbiyos ko. Parang you’re in pain, but you just have to used to it.”

Sa sinabing ito ni Karla, sumagot si Ian. Sabi niya na natatawa, “Kaya nga sinasabi ko sa kanya (Daniel) lagi, mag-iingat ka. Kahit ‘yung daliri mo sa paa, hindi pwedeng mabalian. Kahit siguro 50 years old ka na, ‘pag nasugatan ka sa motor, kasalanan ko pa rin ‘yun. Ako ang sisisihin ng nanay mo.”

Ayon naman kay Daniel, naiintidihan niya ang nanay niya kung ganoon na lang itong mag-alala sa kanya.

“Pero lagi ko namang sinasabi sa kanya, ‘Ma, hindi naman pwedeng lagi na lang tayong natatakot. Hindi tayo pwedeng mabuhay sa takot dahil hindi natin maabot ang mga pangarap natin.”

Sa sinabing ito ni Daniel, tinanong siya ni Jolina Magdangal, co-host ng mommy niya sa MB, na paano kung muling magmahal ang mommy niya, matatakot ba siya? Ang tanging sagot ni Daniel, “Huwag nating pag-usapan ‘yan.”

Sa narinig na sagot ni Daniel, tinanong naman siya ni Melai Cantiveros, kung over-protective ba siya sa kanyang mommy?

“Alam ninyo, lumaki ako na..marami akong nakilala rin (na mga minahal ni Karla).. and alam naman natin na may darating at darating din. Pero pinag-usapan namin ni Mama..,” sabay buntong-hininga ni Daniel, na hindi na itinuloy ang sasabihin.

At ang natatawang reaksiyon naman ni Karla sa sinabing ‘yun ni Daniel. “Ganito na lang anak, mag-compromise tayo. Hindi na ako mag-aasawa hanggang sa pagtanda ko. Pero kasa-kasama mo ako kahit saan kayo magpunta ni Kathryn (Bernardo). I’m just here anak, kasi hindi mo ako binigyan ng buhay ko.”

Aminado naman si Daniel na seloso siya kaya hangga’t maaari ay ayaw niya nang mag-asawa ang ina.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …