Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PINANGUNAHAN ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez kasama si Vice Mayor Rico Golez at Rep. Eric Olivarez ang groundbreaking ceremony ng itatayong satellite office na may tatlong gusali at gagastusan ng Anchor Land Holdings bilang bahagi ng nilagdaang public private partnership for the special investment district upang mapadali at mapabilis ang pag-a-apply ng permit ng mga negosyante na ginanap sa Coastal Road, BBrgy. Tambo, Parañaque City. (ERIC JAYSON DREW)

Parañaque satellite office sa loob ng Pagcor Entertainment City sisimulan na

NAKATAKDANG simulan  ang konstruksiyon sa 2,434 square meters na satellite office ng Para­ñaque City sa loob mismo ng Pagcor Entertainment City, bago matapos ang taon.

Ayon kay Parañaque city mayor Edwin Olivarez, walang gagastusin ang lungsod sa itatayong satellite office dahil solo itong gagastusan ng Anchor Land Holdings bilang bahagi ng kanilang nilagdaang public-private partnership for the Special Investment District (SID).

“The  Satellite City Hall is basically an office building   and   the   project   will   be  a new landmark in this part of the city. Under the agree­ment, the PPP project will have a period of 50 years, renewable for another 25 years at ALHI option,” paliwanag ni Olivarez.

Ang lupa umano ay tatayuan ng nine-story satellite office na ang apat na palapag ay para sa city government na magka­karoon ng extension ang

Business Permit and Licensing Office (BPLO) gayondin ang Assessors Office upang hindi na maging mahirap sa mga negosyante ang pag-a-apply ng permit habang ang limang palapag ay ipare­renta ng ALH.

“The project will bring value to the city’s property. It will create jobs for city residents, who may be employed by the various businesses that will lease space at the commercial area,” pahayag ng alkalde.

Aniya, habang palaki nang palaki ang negosyo sa lungsod ay malaki ang pangangailangan na magkaroon ng satellite office upang hindi lamang sa main city hall ang transaksiyon.

Ang Entertainment City ang itinuturing na Las Vegas like gaming and entertainment complex sa Parañaque, ilan sa hotels at casino na nag-o-operate rito ay Solaire, City of Dreams at Okada.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …