Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phoebe Walker, nag-eenjoy sa action scenes sa FPJ’s Ang Probinsyano

MASAYA ang Viva Artist Agency talent na na si Phoebe Walker dahil nagkakaroon na siya ng pagkakataon na makaganap ng iba’t ibang klase ng role. Kumbaga, from horror projects ay nasubukan niyang gumanap ng ibang papel naman.

Matatandaang sa pelikulang Seklusyon noong 2016 Metro Manila Film Festival na isa si Phoebe sa naging bida, nakilala nang husto ang aktres. Nanalo siya ng Best Supporting Actress dito. Sumunod naman ay isa siya sa naging main cast ng mini-series na Tabi Po para sa Cignal Entertainment. Ang dalawang proyekto ay kapwa horror.

Mula rito, si Phoebe ay lumabas sa sexy-action movie na Double Barrel. Tapos ay napanood sa iba pang mga project, kasama ang pelikulang To Love Some Buddy na pinagbidahan nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo.

Matapos maging bahagi ng drama series na Araw Gabi nina JM de Guz­man at Barbie Imperial, ngayon ay napapanood si Phoebe sa top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sobra nga ang kagalakan ng aktres na maging bahagi ng serye ng ABS CBN.

“Very happy po and grateful, halos after ng eksena pinasa­salamatan ko si kuya Coco. Sana makasabay ako, kasi dapat maangas dahil sa reputasyon ng Ang Probinsyano,” pahayag ng aktres na mayroong degree sa European Studies mula sa Ateneo de Manila University.

Kumusta ang taping niya ngayon sa Pro­binsyano?

Tugon ni Phoebe, “Kalaban pa rin po namin si Baron (Geisler), dahil iniisa-isa na niya ang Task Force Agila.”

Idinagdag niyang nag-e-enjoy siya sa pagsabak dito sa mga action scene. “Opo nakaka-raid na kami, pati undercover scenes. Okay naman po, masaya naman, pero thru the weeks ay may nawawalang characters, so uncertain ang fate namin sa show.”

Saad niya, “May movie po ako, shooting on weekend na malapit na matapos rin this month. Directed by Toto Natividad, The Big One po ang title with Kiko Matos, Jeffrey Santos, Don Umali, Rob Sy, and many more. Action po itong The Big One.”

Napapa­nood din si Phoebe sa Sari-Sari Channel sa horror serye nilang Cuerpo Y Alma with Danita Paner, Ruby Ruiz, at Andrew Gan, directed by Aya Topacio.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …