Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jason, naka-maskara ‘pag dinadalaw ang GF

SA June 9 gaganapin ang 2019 Binibining Pilipinas na kandidata si Vickie Rushton, girlfriend ni Jason Abalos.

Ano ang suportang ibinibigay ni Jason kay Vickie sa pagsali ito sa beauty pageant for the second time?

Ngayon kasi hindi ko siya kinukulit eh, hinahayaan ko lang siya para maka-focus sa [pageant].”

Balitang naka-diguise si Jason kapag pumapasyal sa rehearsals ng Binibining Pilipinas?

Naka-motor po kasi ako so naka-mask ako para sa usok, at saka ayokong maka-agaw ng attention, kasi gusto ko sa kanila talaga.”

Alam naman ni Vickie na dumadalaw si Jason sa rehearsal pero hindi na lang iniistorbo ni Jason ang girlfriend.

Mas kaba or excitement ba ang nararamdaman niya this time?

Kumbaga ako ngayon? Ano ako, excitement ito hindi ito kaba kasi alam na namin ‘yung pakiramdam last year, eh. Ngayon kasi hinahayaan ko lang siya, kumbaga hindi kami nagkikitang madalas, sobrang pagod na sila, umaga nagigising, gabi na umuuwi.”

Masaya rin si Jason dahil nanalong Bokal o Board Member nitong nakaraang eleksiyon ang ama niyang ni Eng’r. Popoy Abalos sa 2nd District ng Nueva Ecija.

Sana ay si Jason ang tatakbo pero nagsimula na siyang mag-taping sa GMA Afternoon Prime series na Bihag.

Nagkampanya si Jason para sa ama niya noong eleksiyon.

Kapag wala akong trabaho rito.”

Itutuloy na ng ama niya ang pagiging politiko at si Jason ay hindi na tatakbo?

Siya na po, ituloy-tuloy niya na ‘yan. Tapusin na niya ang termino niya.

“Baka nga kung ako, baka natalo ako eh,” at tumawa si Jason.

Gumaganap si Jason bilang si Brylle sa Bihag kasama sina Max Collins, Mark Herras at iba pa.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …