HANGGANG ngayon raw ay hindi pa rin alam ng Department of Transportation (DOTr) kung ano ang rason kung bakit biglang gumulong ang bagon ng LRT 2 na nasa emergency railways gayong patay naman umano ang makina, ayon sa operator.
Ayon sa DOTr, kung ang bagon ay nasa emergency railway, ibig sabihin wala itong koryente o maaaring umandar pa-northbound o pa-southbound.
Pero walang koryente ang nasabing bagon, kaya ultimo ang LRT 2 officials ay nagtataka bakit daw umandar?!
Baka naman minumulto na kayo?!
Kakaibang klase rin talaga ang mga opisyal ng DOTr, nakahaharap pa sa telebisyon at nagsasabing iniimbestigahan na raw.
Umabot sa 29 katao ang nasaktan kabilang ang isang estudyanteng nabasagan ng panga at kinakailangan operahan.
Pero wala man lang nakararamdam ng kahihiyan sa mga DOTr official.
Kung sa ibang bansa ‘yan, nag-resign na agad pagkatapos humingi ng paumanhin, lalo sa Japan.
Pero rito sa Filipinas, kabi-kabila pa ang press conferences.
Ibang klase talaga!
Mukhang masyadong nag-e-enjoy ang mga opisyal diyan ng LRTA na palamig-lamig lang sa opisina nila at baka pa-shot-shot lang ng brandy o cognac?!
Wattafak!
Mayroon din daw opisyal na masipag lang sumilip ng commission sa mga concessionaire at ads placement sa mga billboards?!
Kaya nang biglang mag-collide ang dalawang bagon ng LRT 2, bigla rin silang nagsipagtago at hinayaang magdadakdak ang kanilang spokesperson.
Tsk tsk tsk…
Secretary Art Tugade Sir, wala ka bang pagugulunging ulo?!
Mukhang ginagawa nang ‘normal’ ng mga taga-LRTA ang mga insidente sa railway system natin?!
Hindi ka ba kinakabahan Secretary Tugade?!
BIR SA LIPA, BATANGAS
MAHINA RAW ANG SIGNAL
KAYA SERBISYO’Y MABAGAL?
Sir Jerry,
Just got back from BIR Lipa. Followed up our Docs for our Tanauan Prop/ all i got is their system broke down/ hina raw signal sa Lipa kaya ang bagal ng processing. Ano kaya solution ng Malacañang sa mga ganitong agency na ok lang sa kanila pabalik-balik mga tao sa follow-up?
They can not give any commitment kung kailan maaayos ang system nila.
Pakibulabog na nga po, Sir Jerry.
—Name withheld upon request
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap