Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza Calzado, producer na

MATAGAL na palang pangarap o plano ng aktres na si Iza Calzado ang mag-produce ng pelikula.

Noon pa man, nagtatanong-tanong na siya at nag-o-observe sa galaw ng industriya si Iza.

“Noong birthday ni Sir Ricky Lee, nabanggit ko sa kanya na gusto ko nga na kung hindi man ako ang producer eh, sumama ako as co-producer,” ani Iza.

At mangyayari na nga ito. Dahil sa isinulat na script ni Ricky, na ipo-produce ni Shandii Bacolod at ng kanyang Black Maria Pictures, si Iza ang nasa isip nina Ricky at Shandii sa pangunahing papel ng tatlong magkakaibigan sa Culion.

“All I had to do lang naman pala was ask. Noong nasabi na sa akin na the role was really intended for me, roon ko na rin tinanong kung paano o pwede ba akong pumasok sa production nila. Naghihintay din lang pala sila ng mga sasama pa, so, I’m in!”

At pumirma na nga si Iza ng kontrata.

“We are eyeing the MMFF (Metro Manila Film Festival). Shoot will start the soonest. Nahanap na nila ang isa kong gaganap na kaibigan-si Meryll Soriano. Looking na lang for the third character.”

As a producer gusto rin naman ni Iza na kumita ang kanilang pelikula.

“We need cash! At siyempre, gusto naming makapag-share sa mundo ng makabuluhang pelikula. Marami na nga akong natutuhan sa ‘Culion.’ And this movie will clear so many things in a place that has been stigmatized by the dreaded disease. Gusto rin namin makatulong sa Tourism industry ng lugar. We know maa-achieve naman ‘yun sa pakikipagtulungan ng production with the Culion community.”

Kasama ni Iza ang husband na si Ben Wintle nang pumirma siya ng kontrata.

“Naku, mahirap kuning artista. Demanding. Hahaha! Right, Poopy?”

Ina-eye ng MSB Team ni Shandii si Anne Curtis to be the third actress. Pero hinihintay pa ang okay ng Viva though Anne expressed na gustong-gusto niya na makasama sa proyekto.

Napili na ang mga nag-audition for other vital parts. Waiting din sila for an actor from Hollywood!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …