Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atom, muling binara ni Direk Mike

ISANG taon na mula nang magkaroon ng iringan ang director na si Mike de Leon at broadcast journalist na si Atom Araullo.

Si Atom ang kinuha ni direk Mike para gumanap bilang Jake Herrera sa pelikulang Citizen Jake na ipinalabas noong May 2018.

While the multi-awarded director took fancy at the rawness of Atom as an actor, prangkahan niya itong inalipusta sa uri ng kanyang pamamahayag. That time, kalilipat lang ni Atom sa GMA mula sa ABS-CBN.

Katwiran ni Atom, kung anumang hanash mayroon si direk Mike ay walang kaugnayan ‘yon sa Citizen Jake. Magkaibang-magkaiba raw sina Atom at Jake Herrera who differ in political beliefs.

Nabuhay muli ang pagkadesmaya ni direk Mike nitong mamatay ang batikang production designer ng CJ (and some of his directorial works) na si Cesar Hernando at 73.

Ayon kay direk Mike, ano raw ang mami-miss ni Atom (base sa kanyang grieving post) kay Cesar samantalang hindi naman sila naging malapit sa isa’t isa while doing the film?

Malalim na talaga ang sugat kina direk Mike at Atom that it needs to be healed at once. Masyado rin kasing mataas ang ere ni Atom gayong hindi basta-bastang film director ang napili niyang banggain.

Isan­tabi muna sana ni Atom ang kanyang self-pride as he has yet to prove his self-worth bilang isang journo!

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …