WALANG pagkakaiba para kay Tom Rodriguez kung panghapon man o primetime ang show niya.
“Sa akin it’s no different, eh.
“For me it’s the same. Like as long as I’m there working with brilliant people, with people who are just as excited and just as passionate to be where they are , I already feel like a winner.
“Sa akin hindi ko inisip ‘yung… I know it’s siguro bad of me to think about it pero hindi naman sa dini-disregard ko ‘yung rating coz I know that it’s important.
“Pero since it’s not something I directly have influence over, I mean kung ano lang naman ‘yung trabaho ko iyon lang makakaya kong gawin eh.
“So roon lang ako nagpo-focus, so nagpo-focus ako sa kung ano ‘yung mae-enjoy ko, iyon nga, itong team na napakagaling at napaka-passionate sa ginagawa nila,” mahabang paliwanag ni Tom.
Sa Dragon Lady ay gumaganap si Tom bilang si Michael Chan at si Janine Gutierrez si Celestina Sanchez.
Nasa cast din sina Joyce Ching, Diana Zubiri, at James Blanco na idinirehe naman ni Paul Sta. Ana.
“Sobrang excited ako na makasama sila, ganoon kababaw ‘yung iniisip ko usually when I’m preparing for a show so, whether it’s primetime or afternoon for me it’s the same level of stakes and passion.”
Passionate si Tom sa kanyang acting career kaya bukod sa pag-aaral ng Mandarin ay nag-aral siya ng rowing; may eksena kasi sa Dragon Lady na nasa isang rowing competition si Tom.
“One day lang, kasi humingi ako sa GMA na kung puwede akong mag-immerse sa kanila, pinagbigyan ako, ‘yun nga lang the next day nag-taping na kami.”
Na-enjoy din ni Tom ang rowing.
“Sobra! Hindi ako nakagalaw noong second day, gumugulong akong parang uod sa kama!”
Ready din si Tom sa shirtless scenes niya.
“Kasi ngayon naka-Keto diet na ako. So far parang okay naman sa akin ang hirap lang ng walang, dairy at saka ‘yung carbs talaga.”
Any wedding bells para sa kanila ni Carla Abellana this year?
“Ah… I don’t wanna put a definite date to it pero working up to it.”
(ROMMEL GONZALES)