HINDI tayo nagtataka sa reklamong ‘yan ni Civil Service Commissioner, Atty. Aileen Lizada laban sa maiingay, magugulo at mahilig maningit sa pila na Chinese nationals.
Sa totoo lang, kahit sa Hong Kong ay ganyan din ang reklamo ng mga kababayan nila roon. Kung umasta kasi ang mga ‘yan parang sila lang ang tao sa isang lugar.
Sana naman, ay matuto silang magrespeto sa kultura ng ibang nasyon lalo na’t banyaga sila rito sa ating bansa.
Kung tayong mga Pinoy, kahit sa Pilgrimage ay binibigyan ng maayos na oryentasyon sa pagpasok sa ibang bansa, bakit hindi gawin iyon sa kanila ng kanilang mga embahada o foreign affairs department?
Tingin natin ay kulang na kulang sa oryentasyon ang mga Chinese nationals kaya ganyan sila ‘pag nasa labas ng kanilang bansa.
Panahon na siguro para ipaunawa ‘yan ng DFA sa Chinese Embassy.
‘Yun lang po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap