NGAYON pa lang ay inuulan na ng reklamo ang GRAB dahil sa kanilang sistema na gustong pagbayarin ang mga pasaherong magka-cancel ng booking.
Ang tanong paano kung ang Grab ang magka-cancel?!
Ano rin kaya ng penalty sa mga Grab driver na mahilig kumuha ng pasahero kahit 15-minute away pa sila at may ibababa pang pasahero?!
Tapos habang naghintay ‘yung pasahero, kamukat-mukat mo biglang nag-cancel?! Anong laban ng pasahero sa mga ganoong Grab driver?!
Nagtataka naman tayo kung bakit tila spoiled na spoiled ang Grab sa LTFRB?!
Kahit sandamakmak na ang reklamo, walang aksiyon ang LTFRB.
Lalo na kung araw ng Biyernes na sinasamantala nila ang pangangailangan ng mga pasahero at halos holdapin na ng Grab system sa napakataas na pasahe.
LTFRB Chairman Martin Delgra Sir, labas-labas din minsan sa malamig mong opisina at medyo bumibigat ka na.
Paki-kutusan lang ang tila umaabusong sistema ng Grab.
Please!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap