HINDI lang ang kahinaan ng estruktura ng Clark International Airport (CIA) ang nabuyangyang sa publiko nang pabagsakin ng magnitude 6.1 lindol ang kanilang kisame at puminsala rin sa Pampanga nitong Lunes, 22 Abril.
Sinabi na natin, hindi natin minamaliit ang magnitude 6.1 lindol. Hindi biro ‘yan. Pero mas lalong hindi biro ang mahigit sa P1-B pondo na ginastos para i-rehabilitate at i-renovate para patibayin at pagandahin ang paliparan na pinapangarap noong paglipatan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mukhang blessing in disguise ang nangyaring ‘yan sa Clark, dahil hindi lang pala ‘yang mahinang estruktura ang mabubuyangyang kundi sasambulat din pala ang talamak na ‘human trafficking’ sa nasabing airport.
Gaano katotoo ang impormasyon na riyan sa CIA dinadala ang mga bulto-bultong Pinoy na umaalis sa bansa na kulang ang mga dokumento?!
Hindi lang ‘yan, isa umano ang CIA sa mga paboritong ‘lapagan’ ngayon ng mga Bombay at maging ng mga Chinese national na naririyan ang kontak sa Central Luzon areas.
Gusto tuloy nating tanungin kung ‘inutil’ ba si Roni Santos, ang sinasabing hepe ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) diyan sa Clark?
Ano kaya ang masasabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa ‘pagsambulat’ ng human trafficking sa Clark?!
Hindi kaya sumakit ang ulo ni Commissioner Morente sa sandamakmak na ‘bukol’ na inabot niya kay Roni Santos?!
Aruyku!
Paki-explain na nga, Mr. Santos.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap