Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baguhang aktor, pumasok sa GMA dahil kay Jennylyn

HINDI kaya pagselosan ni Dennis Trillo ang deklarasyon ni Clint Bondad na si Jennylyn Mercado ang dahilan kung bakit nasa GMA ang male model-turned-actor?

“’Yun ang dahilan kung bakit nandito ako sa GMA. I just wanted to say, dahil talaga kay Jennylyn.”

Humarap pa si Clint kay Jennylyn at patuloy na sinabing…”Kasi ikaw talaga ‘yung dahilan kung bakit nandito ako sa GMA.

“You know, kaya pasok [pumasok ako] sa GMA dahil sa ‘Dear Uge’ episode natin.”

Nakasama ni Jennylyn ang Filipino-German actor sa Dear Uge last year, November 18.

Sa naturang episode ay gumanap si Jennylyn bilang photographer. Kinuha siya ni Clint para sa isinagawang proposal. Sa kasamaang palad, tinanggihan ang baguhang actor.

“So ‘yung experience ko roon sa ‘Dear Uge,’ inisip ko, ‘Hey, ang ganda naman sa GMA, rito puwedeng-puwede pala, ang cool-cool pa ni Jennylyn.

“At siyempre nagustuhan ko yung buong team (Dear Uge production staff).

“So for me naman I’m always excited sa lahat ng ibinibigay sa akin.

“Pero ito naman mas excited pa ako rito kasi masaya ako talaga.”

Regular cast member na ngayon si Clint sa bagong programang romantic/comedy ng GMA, ang Love You Two na makakasama niya sina Jennylyn at Gabby Concepcion.

“So maraming salamat sa GMA, maraming salamat sa lahat ng ibinibigay ninyo sa akin, and hindi ko alam kung bakit naibibigay sa akin pero again, thank you very much.”

Marami ang nagsasabi na sa kaguwapuhan at height ni Clint, magiging big male star siya sa Kapuso Network, lalo na kung pagbubutihin niya ang pagta-Tagalog.

“Practice-practice lang pero kaya naman,” ang nakangiting wika pa ng guwapong new Kapuso male star.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …