Friday , November 22 2024

Sandovals minumulto nga ba ng ghost projects? (Ang totoong scam artists…)

ILANG taon na ang nakararaan (2013), inilabas ng Commission on Audit (COA) ang isang report tungkol sa resulta ng isang Special Audit matapos pumutok ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam.

Lumabas sa nasabing ulat na magmula 2007 hanggang 2009, halos P300 milyong pondo ng taongbayan ang dumaan sa mga kamay nina Ricky at Alvin Sandoval na magkasunod na naging kinatawan ng dating lone district ng Malabon-Navotas.

Mula sa kabuuang halagang ito, P108 milyon ay mula sa kanilang ‘pork barrel.’ Lumabas din sa report na noong 2008, sumobra nang mahigit P48 milyon sa pondong orihinal na nakalaan ang inilabas para sa umano’y mga proyekto ng mga Sandoval.

Bagaman sobra-sobra pa ang inilabas na pondo para sa mga proyekto ng mga Sandoval, itinanggi ng supplier na naging bahagi sila ng proyektong pinondohan ni Sandoval.

Kasama rin si Sandoval sa mga mambabatas na nagpondo sa umano’y supplier na hindi matagpuan ng COA nang isagawa nila ang pagsisiyasat.

Kaya ang tanong ngayon, saan kaya napunta ang pork barrel ng mga Sandoval?

Ayon na rin sa mga testimonya ng whistleblower na si Benhur Luy, ganito ang naging kalakaran sa kasagsagan ng pork barrel scam: Una, ang mambabatas (Senador o Kongresista). Dahil sila ang kawatan ‘este kinatawan ng taongbayan, sila ang naglilista ng mga proyektong dapat pondohan.

Karaniwang proyektong pinopondohan sa pork barrel scam ay soft projects tulad ng mga tulong pangkalusugan, pangkabuhayan, o cash-for-work na pawang mahirap patunayan kung nangyari ba talaga, ‘di gaya ng hard projects tulad ng pagpapatayo ng mga gusali at iba pang impraestruktura.

Ikalawa, ang ahensya ng gobyerno. Dahil sila ang tagapagpatupad ng mga proyektong inilista at aprobado ng mga mambabatas, sa kanila dumaraan ang pondo para sa mga proyektong ito.

At ikatlo, ang non-government organization (karamihan, mga foundation). Sila ang mga ‘katuwang’ ng ahensiya ng gobyerno para makinabang ang mga benepisaryo sa proyektong ipinatupad ng ahensiya at pinondohan ng mambabatas.

Mambabatas din ang pumipili kung aling NGO o foundation ang magiging katuwang ng ahensiya sa pamamagitan ng endorsement para maging kabahagi ng proyektong pinondohan nito.

Sa ganitong kalakaran, hindi malabong mangyari na ang pondong inilaan ng mamba­batas para sa proyektong siya mismo ang pumili, ay dumaan lamang sa ahensiya at NGO o foundation na magpapatupad nito, at sa huli’y dumeretso sa sariling bulsa ng mambabatas sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng benepisyaryo para lumabas na nangyari nga ang nasabing proyekto.

At kung peke rin ang supplier ng proyekto, ghost project ito. Lahat ng dinaanan ng pondo, nagnakaw. Pero ang milyones na pondo, deretso sa bulsa ng politiko.

Ganito kaya ang nangyari sa P300 milyong pondong dumaan sa mga Sandoval?

Abangan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *