Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hashtag Kid, nabitin sa halikan nila ni Yen

SINA Hashtag Kid Yambao, Lassy, at Yen Santos ang mga bida sa indie film na Two Love You mula sa OgieDProductions na ididirehe ni Benedict Mique. 

Ako nga po pala rito si Winston, ang pinakamabait na waiter sa isang restaurant. Ulila na sa ama. Mahal na mahal ko ‘yung nanay ko, kahit puro sablay ang ginagawa niya. Mapagmahal ako sa kapwa. Ayun nga, na-in-love ako sa bading (Lassy) at sa babae (Yen)” kuwento ni Kid tungkol sa kanyang role sa Two Love You.

Sa totoong buhay ba, ay nagkaroon na rin siya ng relasyon sa isang gay before?

Gay? Wala po! Wala!” sagot ni Kid.

Pero posible bang magkagusto o ma-inlove rin siya sa isang gay, katulad ng role niya sa kanilang pelikula?

Sa tingin ko, hindi, eh. Kahit anong isip ko, hindi, eh,” sagot niya. “Sa pelikula, ‘yun ang role ko, kailangan kong ma-inlove sa bading. Pero in real life, hindi talaga, eh.”

May kissing scene raw sila ni Lassy sa pelikula, na nakunan na? Hindi ba siya nag-dalawang isip na gawin ‘yun?

Hindi naman. Siyempre trabaho. Kaya sino ba namana ako para humindi.”

Kung may kissing scene si Kid with Lassy, mayroon din siya with Yen. Kumusta ang kissing scene nila ni Yen?

Masarap,” sagot ni Kid na natatawa.

Gaano katagal ang kissing scene nila?

Mabilis lang, eh. Nabitin nga ako, eh,” sabay tawa na naman ni Kid.

So, gusto niya matagal ang kissing scene nila ni Yen?

Naman!” natatawa na namang sagot ni Kid.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …