Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
aiai delas alas

Ai Ai, mas pinaniwalaan ang hula kaysa kaibigan

MAPAGPANIWALA pala si Ai Ai de las Alas sa mga hula to think na isa siyang ispiritwal na tao. A Marian devotee, in fact.

Kamakailan ay sinamahan niya ang kanyang college friend para magpahula kung sino sa kanilang tropa ang nagnakaw ng kanilang cellphone on separate occasions.

Ang sagot ng manghuhula’y isang tomboy daw ang nagnenok ng gadget ng kaibigan ni Ai Ai. Follow-up question naman ng komedyana, ‘’’Yun bang nagnakaw ng cellphone niya (referring to her friend na sinamahan niya), eh, ‘yun din bang tomboy na nagnenok ng sa akin?”

Positive ang sagot ng manghuhula. One and the same person.

Dahil sa paniniwala ni Ai Ai na tropa rin nila ang tumalo sa kanila’y napagpasyahan nilang magkakaibigan sa kolehiyo na i-ban ang tomboy na salarin. Nauna nang itinanggi ng kanilang tomboy friend ang paratang.

Walang masama kung paminsan-minsan we resort to manghuhula para isangguni ang kung anumang concern natin sa buhay. Pero kaya nga tinawag na hula, ibig sabihi’y may posibilidad na sumablay ito.

Maaaring totoo st maaari rin namang hindi.

At sa tulad ni Ai Ai na malakas ang pananampalataya sa Itaas, mas magandang ipagdasal na lang niya ang kanyang tomboy friend kung ito nga ang tunay na salarin. Baka rin naman kasi pakalat-kalat ang cellphone niya waiting to be stolen.

Burara lang ang peg.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …