Friday , November 22 2024

Total ban vs Chinese construction workers isinusulong ni Sen. Nancy Binay

‘YAN na nga ang sinasabi natin, hindi kulay ang pinag-uusapan kundi ang klarong tindig sa mga krusyal na isyung pinag-uusapan.

Kaya naman pinabilib tayo ni Senator Nancy Binay na tumitindig na dapat talagang isulong ang total ban kontra Chinese construction workers.

Bakit nga naman kukuha ng Chinese construction workers kung marami naman tayo niyan.

Hindi ba kabalintunaan na nagpapadala tayo ng skilled construction workers sa ibang bansa lalo sa Middle East, tapos ang Chinese nationals ang kumikita nang malaki sa China aid/loan na babayaran nating mga Filipino?!

Hindi kaya parang nagigisa tayo sa sariling mantika nang ganyang trato sa atin ng China?!

Baka nalilimutan ng mga pinuno ng ating pamahalaan na karamihan ng magagandang gusali sa Middle East ay halos Filipino engineers and skilled workers ang nagtayo?!

Tapos ‘yung galing nila na ‘yun ay hindi mapakinabangan ng sarili nating bansa?!

Wattafak!

Sabi nga ni Madam Senator Nancy dapat na ang pamahalaan ang unang-unang magbigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga mangga­gawang Filipino.

Pumasok sa isang malaking infrastructure project na Build Build Build program ang gobyernong Filipino na inakalang mag-aanak nang maraming trabaho para sa mga kababayan natin pero maling akala pala.

Sabi nga ni Senator Binay, hindi patas at disadvantageous sa mga manggagawang Filipi­no ang polisiya at kasunduan na nakatali tayo sa utang natin sa China at ginagawang require­ment ang pagkakaroon ng Chinese workers. 

Masyado nga namang maliit na dahilan na kailangan umano ay Mandarin-speaking Chinese laborers dahil puro Chinese characters ang nakasulat sa mga equipment. 

Kayang-kaya nga namang resolbahin ang problemang ‘yan ng isang interpreter para punan ang communications gap.

Puwes, kung gayon dapat ibasura ang mga kondisyon na nakalakip sa mga official development assistance (ODA) loans. 

Kung talagang hangarin nilang makatulong sa mga bansang maliliit na gaya ng Filipinas, ang unang indikasyon ay bigyan ng trabaho ang maraming Filipino.

Kasunod niyan, pagbayarin ng tamang buwis ang Chinese nationals na narito sa bansa at nagtatrabaho sa infrastructure projects ganoon din sa iba pang linya ng industriya gaya ng online gaming.

Dahil diyan, may boto ka sa akin, Madam Senator Binay!

Nancy Binay for Senator!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *