HULI ang isang ginang na tinaguriang ‘drug queen’ at isang mister na kapwa drug pushers sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rosario Enriquez, 51 anyos, tinaguriang ‘drug queen’ residente sa Phase II Area 1, at Dennis Alvarez, 48 anyos, ng North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing siyudad.
Batay sa ulat ni P/Cpl. Eldefonso Torio, may hawak ng kaso, dakong 6:05 pm nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Eric Roxas, kasama ang mga tauhan ng PCP4 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Arnold San Juan na nagsilbing perimeter security ang buy bust operation laban sa mga suspek sa labas ng bahay ni Alvarez sa Brgy. NBBS sa koordinasyon ng PDEA. Nang iabot ng mga sus-pek ang isang sachet ng shabu kay P/Cpl. Rene Llanto na umaktong poseur buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumapit ang iba pang mga operatiba at sinunggaban si Alvarez at Enriquez. Nang kapkapan, nakuha kay Alvarez ang 11 plastic sachet na nagla-laman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu at isang revolver pistol na kargado ng anim na bala. Nakompiska kay Enriquez ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu, P300 buy bust money at P1,230 cash. Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002 (ROMMEL SALES)