Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko pumalag nang bansagang ‘Jade’ sa buhay ni Jay

SA kanyang FB Live ay sinagot ni Aiko Melendez ang foul na post  umano ng kalaban ng kanyang boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun sa pagka-bise gobernador ng lalawigan. Hindi pinangalanan ni Aiko ang kalaban ng nobyo. Ang post umano nito na siya ang “Jade” sa buhay ni Jay ang pinalagan ni Aiko.

Si Jade ay ang karakter na ginagampanan ni Yam Concepcion sa teleserye ng ABS-CBN, Halik. Si Jade ang kerida ng karakter ni Sam Milby na si Ace.

Sabi ni Aiko, “Una sa lahat, Madam Vice Governor, I don’t wanna name you ‘coz I don’t wanna use your name for your game baka sumikat ka lang. I know this is what you’re waiting for, for me to answer. Kasi ‘pag sumagot ako, magkakaroon ka ng bearing, papansinin ka ng tao. O sige, I’ll give you your five minutes of fame. But after this, hindi na kita sasagutin dahil wala ka naman talagang bearing sa buhay ko.

“Una sa lahat, ang election dapat, you stick to the issues. ‘Yung sa personal isyu na pinu-point out mo, tinatawag mo akong kabit. Hindi po ako kabit. Una sa lahat, pumasok po ako sa buhay ni Jay, wala na po sila niyong ex-wife niya.

“In fact, gusto niyo po i-check niyo po sa Olongapo, naka-file na po ‘yung annulment nila. Hindi ko po kasalanan kung ang judicial system natin sa Pilipinas ay mabagal. That’s why I am for divorce. So how dare you call me kabit? Bakit ka natatakot na pangalanan ako by the nickname na ‘Jade,’ ‘di ba? Sa ex-wife? Ako ang dahilan ng paghihiwalay? Ang kabit itinatago, so naintindihan niyo po kung ano ang diperensiya ng dalawang bagay? Pati anak ko idinamay niyo po.

“Kung ikaw po ang ganyanin ko, matutuwa ka po? Pinagbibigyan na nga kita noong sinabi mong may sakit ako sa balat kahit may endorsement ako na beauty products, pinagbigyan na po kita, hindi kita pinatulan.”

Sa huling bahagi ng 21 minutong FB Live ni Aiko, nag-iwan siya ng payo sa taong hindi pa rin niya pinangalanan.

“Advice: if you have nothing good to say about other people, keep quiet. That’s what you call decency. Sometimes you really can’t buy class. I hope and pray that you can just buy it in a sari-sari store but you cannot.

“Sadly, sad to say, your kind of politics is so dirty. Napakarumi. I’m not gonna mention your name because your name doesn’t fit your name. Ito sasabihin ko, Madam Vice Governor, you are elected by the people. Act like one. If you want to be elected again by the people, then be decent.

“Have a decent mouth. Have some manners. If you can’t buy manners, at least read a book about manners.”

Makahulugang mensahe pa ni Aiko: “I am going to be your worst nightmare.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …