Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Pukpukang Imee at Nancy

HABANG papalapit ang eleksiyon na nakatakda sa 13 Mayo, mukhang dalawang babaeng kan­didato sa pagkasenador ang mahigpit na mag­lalaban para makapasok sa Magic 12, at tuluyang mahahalal at mapapabilang sa 18thCongress.

Sa takbo ng kampanya ng dalawang senatoriables, mukhang magiging mahigpit ang laban nina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ng reelectionist na si Senator Nancy Binay.

Bagamat kaliwa’t kanan ang ginagawang pag-atake kay Imee, napananatili niya ang kanyang ranking at laging pasok sa Magic 12 sa survey ng Pulse Asia at Social Weather Station.

Nangangahulugan na hindi lumalatay sa taongbayan ang mga banat at demolition job laban kay Imee.

Ganoon din naman si Nancy.  Patuloy rin naman ang pamamayagpag niya sa mga survey sa kabila na hindi siya kabilang sa mga binas­basan ni Davao City Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago at ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa ngayon, ang tanging nakatitiyak lamang na mga kandidatong babae na makapapasok sa Magic 12 ay sina Senador Grace Poe at Cynthia Villar.

Pero sa kabila ng paninigurong panalo nina Poe at Villar, doble-kayod pa rin ang panga­ngampanya ng dalawa para masiguro na sa nakatakdang halalan ay isa sa kanila ang tatanghaling numero uno sa balota.

Ito namang si Rep. Pia Cayetano ay mukhang mahihirapan para mapanatili ang kanyang ranking sa senatorial race. Unti-unting duma­dausdos si Pia sa mga nakaraang survey ng SWS at Pulse Asia.

Sa dating puwesto nitong si Pia na pangatlo, bumaba ito sa latest survey ng Pulse Asia at pumasok na lamang sa ika-anim na puwesto. Hindi kaya ito ay dahil sa kanyang pananahimik at hindi pagbatikos kay Digong sa ginagawang pambabastos sa mga kababaihan?

Palagi kasing sinasabi ni Pia na isinusulong niya ang mga interes ng mga kababaihan pero natatameme siya at hindi maipaglaban ang kanyang mga kabaro kapag may mga pamba­bastos na sinasabi si Digong laban sa mga babae.

Nasaan na ang sinasabing pro-women si Pia?  Puro lang pala siya salita!

Kaya nga, ang pukpukan nina Imee at Nancy ang magandang abangan dahil dito makikita kung  gaano kagaling ang kani-kanilang political handler, at mismong silang kandidato sa panunuyo ng boto ng taongbayan.

Tiyak na magiging ‘bala’ o panghihikayat ni Nancy ang kanyang ‘paawa’ epek na pagiging maitim ng kanyang balat at iba pang gimik.  Ito namang si Imee ay siguradong ipagmamalaki ang mga nagawang infrastructure development ng kanyang ama gaya ng Cultural Center of the Philippines, North Diversion Road na ngayon ay North Luzon Expressway, pagtatayo ng Kadiwa at iba pang nagawa noong panahon ng Bagong Lipunan.

Kung si Imee o si Nancy ang mananalo, nasa kamay ito ng taoangbayan o mga botante kung sino ang kanilang pipiliin.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *