Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, sumasalungat sa PDEA

MAY pagka-defensive para sa amin ang pananaw ni JM de Guzman sa napipintong pagsasapubliko ng PDEA ng pangalan ng mga artistang sangkot umano sa droga.

Open book na ang pinagdaanang buhay ni JM. Nagumon sa drugs, sumailalim sa rehab program at ngayo’y aktibo na naman sa showbiz.

Sa ngayon, balitang hindi lang aabot sa 31 ang bilang ng celebrities na umano’y nasa drug list na nasa pag-iingat ng PDEA. Mahigit 100 pa raw, ayon sa pinakahuling ulat.

Kung si House Speaker Tito Sotto ang tatanungin, sang-ayon siya sa pag-release ng mga pangalan ng celebrities. ‘Yun nga lang, kailangan  ay validated ito.

Salungat naman ang stand ni JM. Aniya, kailangan maprotektahan ang pangalan ng mga personalidad na ‘yon.

Sorry, pero may iba rin kaming pananaw dito.

Kung tutuusin nga’y nagpatumpik-tumpik noon ang PDEA sa hakbang nitong isapubliko ang listahan. Two years ago ay narinig na namin ito, if not privy to a couple of names.

Pero makaraan ng dalawang taon, sa kabila na mas pinaigting pang kampanya ng gobyerno laban sa droga, ang lahat ng nasa listahang ‘yon have remained under the cloak of anonymity. Puro blind item, puro description, ni isa’y walang positibong tinukoy.

We echo Sotto’s appeal. Para matigil na ang walang kamatayang guessing game na ito, let the names be publicized. And yes, let heads roll kung kinakailangan.

Itong mga umano’y drug user o pusher na ito ay nasa hustong gulang na. Entonces, alam nilang masama ang gawaing pinasok nila.

Kung hindi ‘yon kawalan ng konsensiya, hindi namin alam kung anong puwedeng itawag doon.

Noong hindi pa mainit ang gobyerno sa kanila, it was as though they carried a license to do drugs. Ngayong may bantang papangalanan sila ay huwag daw?

Gusto naming isipin that JM is a changed person now. The JM de Guzman na nalulong noon sa ipinagbabawal na gamot is now dead.

Walang pinakamagandang kontribusyon ang maiiambag ni JM sa gobyerno kundi ang makiisa sa panawagang wakasan na ang drug problem kung saan ilang mga kabaro niya ang sangkot. ‘Di ba, they’re supposed to be role models?

Let those blind items gain sight.

Habang tumatagal na hindi sila pinapangalanan, the more people are inclined to think that in this world, not everyone is treated fairly.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …