Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P32-B unpaid taxes mula sa foreign Pogo workers hahabulin ng BIR

SA wakas ay naglabas din ng nakatutuwang pahayag si Finance Secretary Sonny Dominguez III.

Sinabi ni Secretary Dominguez, hahabulin ng gobyerno ang pinaniniwalaan nilang P32 bilyong unpaid income taxes mula sa mga dayuhang nagtatrabaho bilang  Philippine offshore gaming operators (Pogo).

‘Yan daw P32 bilyones na ‘yan ay mula sa 25 percent ng US$1,500 average na kita kada buwan ng

138,001 foreign workers na karamihan nga ay Chinese nationals at nagtatrabaho bilang Pogo.

Ang mga inilabas na numero ay base naman sa ulat na isinumite kay Dominguez ng Department of Labor and Employment (Dole) at Bureau of Immigration (BI) na 54,241 Pogo workers ang pinagkalooban ng alien employment permits (AEPs) bukod pa sa 83,760 na may special working permits (SWPs).

Pero tama rin si Secretary Dominguez na masyadong maliit ang P20,000 kada buwang kita ng Pogo workers dahil sila ay skilled workers.

Natuklasan din na ang mga dayuhang mang­gagawa na nasa talaan ng DOLE at BI ay walang  tax identification numbers (TIN).

Wattafak!

Mantakin ninyo kapag sa dayuhan napaka­luwag?! E alam ba ninyong ang isang government worker ay hindi makasusuweldo hangga’t walang TIN?!

Mabuti naman at nagseseryoso ngayon ang Department of Finance (DoF) sa pamamagitan ng

Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Ariel Guballa, nagsisimula na silang trabahuin ang listahan ng mga nasabing manggagawang dayuhan upang kanilang matuos kung ilang taon na silang namamalagi sa bansa at kung sila ay nagbayad ng buwis kahit man lang sa huling dalawang taon ng kanilang pagtatrabaho.

Ani Guballa, “The Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) has so far submitted a list of 126 out of 205 Pogos, which employ a total of 53,239 foreign workers with an average salary of about P41,000 each.”

Ang tanong lang natin diyan, may database ba ang Pagcor na puwedeng pagbatayan ng BIR kung sino-sino ang mga dayuhang manggagawa partikular ang Pogo workers na dapat pagbayarin ng buwis?

Kung seryoso ang BIR, e napakadali lang naman niyan. Una nilang busisiin ang mga kompanya ni Kim Wong.

Tiyak na sa mga kompanya pa lang ni Kim Wong ay mayroon nang mapagsisimulan ang BIR.

Umpisahan na ‘yan!

 

PANGULONG DIGONG
NAPIKON KAY ORETA
NA WALANG PAKI
SA ILEGAL NA DROGA

MUKHANG napikon na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala umanong pakialam si Mayor Antolin “Len Len” Oreta III sa kanyang isinusulong na anti-illegal drug war.

Matindi ang pagbabanta at ultimatum ng Pangulo laban kay Mayor Len Len. Kung hindi raw seseryosohin ang anti-illegal drug cam­paign, tiyak na may kalalagyan siya.

Pansamantala, binigyan ng Pangulo si Mayor Oreta nang isang buwan para aniya’y linisin ang Malabon laban sa ilegal na droga.

Kung hindi…kanyang ipaaaresto at ipata­tapon sa Manila Bay.

Pero ayon naman kay Mayor Len Len, ang kanilang record ng kampanya laban sa ilegal na droga ang magsasalita para sa kanila.

Katunayan, ilang barangay na umano ang naideklarang drug-cleared at pinuri pa umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mukhang mayroon tayong hinihintay na showdown. 

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *