NAGNANAIS naman na magpatuloy sa kanyang tungkulin sa Senado si JV Ejercito, na nakapagpasa ng 41 batas, 145 bills na nai-file sa 16th Congress, 49 resolutions sa 16th Congress, 173 bills na nai-file sa 17th Congress , at 40 rito ang may resolution na at may anim na bills na lang na naghihintay sa lagda ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Natuwa ang balana sa ipinasa niyang UHC o Universal Health Care sa Senate Biål No. 1896.
Malaking kaalwanan ito kay Juan. Dahil bawal nga ang magkasakit dahil magastos ang magkasakit.
Ngayon, hindi na mangangamba ang ating mga kababayan tuwing sila ay magkakasakit dahil magiging karamay na ang pamahalaan sa magiging gastusin at abot kaya na ang pagpapagamot.
At magtutuloy-tuloy ang pagtutok dito ni Joseph Victor G. Ejercito o mas kilala ng lahat as JV.
Payapa naman ang loob ni JV sa pag-iikot niya na sa buong kapuluan na karamihan ay binabalikan niya.
At payapa na rin ito sa pagkakaroon na ng daan para magkita sila ng amang nakasamaan ng loob at kahit pssa hindi pa naman sila lubusang nakapag-usap ng masinsinan ay ramdam ng anak ang pagpapala ng ama sa kanyang tinatahak.
Pagdating naman sa kanyang kapatid na si Jinggoy, sabi naman ni JV na civil naman ang palagayan nila at nagkita na rin sila. Malaki pa rin ang paniniwala niyang mahalaga pa rin ang pamilya sa dulo ng labang ito.
Isang ama rin si JV. Marami na ang nag-aabang sa panganay niyang si Emilio sa mundo ng showbiz. Pero lubha itong mahiyain at mas gustong tutukan ang pag-aaral. Gaya rin ng kanyang bunso.
Para kay JV, ang kanyang mga nagawa at patuloy pang nagagawa sa bayan-health, youth and education, infrastructure and labor, at housing ang magsasaad ng kanyang nagawa.
Pressured din si Mr. Healthcare. Dahil may pagkakataon na lumaylay siya sa survey dahil wala naman siyang gaanong political ads.
“Ang survey ay ginagawa ko ring guide para mas matutukan ko pa kung ano ang dapat ko pang gawin kung saan ako nagkukulang.”
The political heat is on!
Tubig!!!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo