Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love;Life nina Dino Imperial at internet sensation Sachzna Laparan must watch na rom-com movie

“May mga tao talagang hindi para sa isa’t isa. Ang masakit, pinagtagpo pa.”

Ito ang hugot ni Madonna na ginagampanan ng social media sensation na si Sachzna Laparan sa “Love;Life,” katambal ang mahusay na actor na si Dino Imperial. Pinagtagpo kasi sila ni Elvis (Dino) sa nasabing movie, sa gitna ng marriage proposal ni Elvis sa kanyang girlfriend ay inisplitan siya nito.

After ng break-up ay nagtangkang tumalon sa tulay si Elvis at dito niya nakita si Madonna na matindi rin ang hugot sa buhay at gusto rin magpakamatay.

Ito ang ilan sa mga eksenang aming napanood nang  nabigyan kami ng chance na mapanood ang buong pelikula sa ginanap na special press screening kamakailan sa opisina ng Bluerock Entertainment sa Taytay, Rizal.

Kasama rin naming nanood sina Dino at Sachzna na first time rin nasaksihan ang kabuuan ng pinaghirapan nilang proyekto.

Siyempre, naroon din ang direktor ng movie na si Nikko Arcega at ang ma-PR na producer ng “Love;Life” na si Mr. Eduardo Pablo. Isang romantic-comedy ang “Love;Life” kaya siguradong marami rin makare-relate sa kuwento nito na iikot sa buhay nina Elvis (Dino) at Madonna (Sachzna) na pinagtagpo ng tadhana para kalimutan ang kani-kanilang hugot sa buhay hanggang sa maramdaman nilang unti-unti na silang nai-in love sa isa’t isa.

Pero siyempre, may big twist sa bandang ending ng pelikula na madi-discover ni Madonna kung ano ba talaga ang motibo ni Elvis sa pakikipaglapit sa kanya nong magkita nga sila sa isang tulay kung saan sabay sana silang magpapakamatay. No, hindi po ito “suicide movie,” naging bahagi lang ng kuwento ang kontrobersiyal na isyung ito para pagtagpuin ang dalawang taong parehong gustong makalimot sa kanilang pagkabigo.

In fairness, bukod sa magandang kuwento ng “Love;Life” refreshing din ang mga location na ginamit ni Direk Nikko sa pag-iikot ng dalawang pangunahing karakter sa ilang lugar sa rehiyon ng Calabarzon. Para na rin kayong nakapagbakasyon kapag pinanood ang pelikula.

Gusto rin naming palakpakan ang dalawang bida sa Love;Life. Given na ang galing ni Dino dahil bata pa lang ay umaarte na siya at nabigyan naman niya ng hustisya ang karakter ni Elvis. Pero ang talagang agaw pansin sa amin sa pelikula ay si Sachzna na kahit first time magbida sa isang full length film ay may napatunayan na agad.

She’s a natural actress at sure kami na malayo pa ang mararating niya sa mundo ng pelikula, maging sa telebisyon, kung mabibigyan ng magagandang breaks. Yes, nakipagsabayan talaga ang baguhang actress sa kanyang leading man.

Ayon kina Dino at Sachzna, hindi naman sila nahirapan sa mga pakilig nilang mga eksena dahil simula pa lang ng kanilang shooting ay nag-click agad sila kaya naman natural na natural ang kinalabasan ng mga kilig scenes nila.

Bukod kina Dino at Sachzna, kasama rin sa Love;Life, sina Epy Quizon, Kiray Celis (na as usual agaw-eksena na naman sa kanyang mga paandar), Matt Evans at Victor Medina.

Showing na ito sa April 10 nationwide mula sa Bluerock Entertainment at magkakaroon ng premiere night sa April 3 sa Cinema Adarna sa UP Theater na dadaluhan ng buong cast, director, at ng produ na si Sir Eduardo Pablo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …