Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Delicious si Arjo Atayde, masuwerte si Maine Mendoza — Chanel Latorre

GRATEFUL maging bahagi ng digital series na Bagman ng iWant si Chanel Latorre. Ito ay tinatampukan ng award winning actor na si Arjo Atayde at magsisimula nang mag-streaming for free sa March 20.

Sambit ni Chanel, “I play the role of Sam, the Bagman’s (Arjo Atayde) wife. I am really grateful to be part of the series because the story is not for the faint hearted and I think the current society can relate to it.”

Dagdag niya, “It is a very daring leap from the traditional formulas in entertainmentlandia. I am glad Dreamscape and Rein Entertainment was bold enough to do a venture like this. It is a fresh concept that everyone should watch and pick virtues from.”

Sobrang madugo raw ito na mapapanood nang libre sa iWant?

“Yes, sobrang madugo at in your face ang mga pangyayari sa Bagman. Naniniwala ako na ang mga concept na ginagawa ng iWant, pati na rin ang proseso ng paggawa ng projects ay maihahalintulad sa mga International productions.

“Malaki ang potential ng iWant at sana, tulad ng Netflix ay mapapanood din ito sa buong mundo. Magandang platform ito to show Filipino ingenuity, innovation and talent,” sambit pa ni Chanel.

Ano ang masasabi niya kay Arjo? “With regards to Arjo, dream come true po talaga at hindi ko ini-expect sa buong buhay ko na maging leading lady niya. Sobrang surreal pa rin, hahaha! Matagal na hinahangaan ng buong pamilya ko ang talento ni Arjo. Sa lahat ng mga ka-age ko na actors, siya talaga ang gusto kong maka-work.

“When he was still starting out, my mom told me, ‘Mahusay ang batang iyan, sana makatrabaho mo siya.’ Kaya hanggang ngayon ‘di pa rin ako makapaniwala. He just seems to improve with every project. Hindi ako masu-surprise kung bakit na in love ang girlfriend niya sa kanya. Aside from being great at what he does as an actor, he is a good person. I mean, genuinely good and not just artista good.”

May love scene or kissing scene ba sila rito ni Arjo? “Regarding sa kissing/love scene, I can say na watching Arjo’s career, maaring ito ang pinaka-daring niya na role. So pano­orin na lang natin, Hahaha!” Paiwas na sagot niya.

Delicious ba si Arjo and masasabi niya bang masu­werte si Maine Mendoza, sakaling totoo ang balita na sila na nga? “Patawad po, pero talagang sinuwerte akong maging misis dito ni Arjo. Sure ako na delicious si Arjo at sobra-sobrang suwerte po ni Maine kung totoo ang bali-balita na sila na nga! Hahahaha!” Nakatawang sambit ni Chanel.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …