Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Magat
Mike Magat

Mike Magat thankful sa kaliwa’t kanang projects, talent manager na rin

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ni Mike Magat. Bukod sa pagiging artista, direktor na rin siya ngayon at nagsimula na rin mag-manage ng talents.

Kabilang sa katata­pos niyang gawin ang short film na 10 Seconds na tinatampukan nila ng ex-PBB Housemate na si Tori Garcia. Ang isa pa ay The Camera, isang horror-suspense movie.

“Possible na isali ko ito sa festival sa New York, pero puwedeng maging entry din sa ibang film festivals, pati rito sa Filipinas,” saad ni Direk Mike.

Tinatapos na rin niya ngayon ang pinag­bibida­hang pelikula titled Turista, na ang shooting ay sa iba’t ibang bansa tulad ng Japan, Amerika, Korea, at iba pa. Kabi­lang sa plano niyang gawin ang Katorse (Millennial) at Love is Blind. Ang huli ay isang RomCom na ang idea ay nakuha raw niya sa pinaghalong movie na Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi at sa patok na Netflix film na Bird Box ni Sandra Bullock.

Ang dalawang nakakontratang talent ngayon kay Direk Mike sa ilalim ng kanyang sariling movie company na Sonza Entertainment Productions (SEP) ay sina Naya Amore at Kyla Pauline.

Si Naya ay tampok sa pelikulang The Camera, samantala si Kyla ay magbibida naman sa Katorse (Millennial).

Nabanggit ni Direk Mike ang ukol sa kanyang pagve-venture bilang talent manager.

“Oo, kasi sa akin ay sayang naman… dahil gumagawa na rin ako ng pelikula, naghahanap tayo ng artista, hindi ba? So, bakit hindi tayo magkaroon ng sariling artista na rin. Para maka­tu­long din tayo sa mga kabataan na nanga­nga­rap, para matupad natin ang mga pangarap nila.

“Kaya lang sa akin, ang gusto ko lang mangyari sana, iyong mga gustong mag-artista ay matuto rin silang sumunod, kung ano iyong rules sa pag-aartsita, ano iyong patakaran sa showbiz, na kung ano ang itinuturo mo ay tandaan nila at intindihin nila. Kasi kung mag-aartista para lang… gustong maglaro or para magka-experience, sayang lang ang pana­hon. Kaya dini-dis­courage ko na sila, ayaw kong maging talent ang mga pasaway, e,” seryosong sambit ng aktor-direktor.

Anyway, may special participation din si Direk Mike sa TV series na Sahaya ng GMA-7 na tinatampukan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Sunod-sunod din ang project ni Direk Mike sa Kapuso Network, kaya naman sobrang nagpapasalamat siya sa GMA-7.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …