Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mannix Carancho ng Prestige, likas na matulungin

KAYA naman pala lalong lu­malago ang Prestige Beauty Company ay dahil sa kabaitan at likas na pagiging matulungin ng CEO nitong si Mannix Carancho.

Nakahuntahan namin recently si Amanda Amores, PR & Marketing Consultant ng Prestige at nalaman namin na nakibahagi ang Prestige Inter­national Charity sa Women’s Empowerment nina Angel at Monique na tu­mu­long sa mga kababaihang ini­wan ng OFW ni­lang mister. Nag­bigay sila ng mga Prestige beauty products sa mga kababaihan, para manatiling maganda at huwag maging losyang.

Nalaman din namin na tumulong din pala si Mannix sa mga nasunugan kamakailan sa Bataan.

Nabangit ni Amanda sa amin na ang boss niya’y nagdadala rin ng 100 bags sa likod ng sasakyan niya na puno ng pagkain at school supplies, tapos ay ipinamumudmod sa mahihirap na bata. Priority niyang tulungan ang mga batang mahihirap, especially ang mga batang lansangan.

“Another thing, kada bili mo ng item sa Prestige, ang piso ay napupunta sa Mannix Carancho Charity,” saad ni Amanda.

Itinatag ni Mannix ang kanyang beauty company na Mannix Carancho Prestige Corpo­ration noong 2015. Ito na ngayon ang isa sa mga leading corporation na nagpo-produce ng skin care products para sa madla sa abot-kayang halaga na may magandang resulta sa kanilang skin o kutis.

Sa kasalukuyan sina Arron Villaflor at Iyah Mina ang dalawa sa product endorsers ng Prestige.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …