Sunday , January 12 2025

Monsour del Rosario masipag na public servant ng Makati, maraming naipasang batas

PAINIT nang painit ang iringan ng magkapatid na Abby Binay at Junjun Binay para sa Mayoral seat ng Makati. Ngunit mayroon ding ibang kaabang-abang na laban sa lungsod, isa na rito ang para naman sa Vice Mayor na pinag-aagawan ng re-electionist na si Monique Lagdameo at si Monsour del Rosario, kasalukuyang Congressman ng District 1 at tumatakbo sa ilalim ng tiket ni Junjun Binay.

Kamakailan ay nagsabi si Abby Binay at ang kanyang Vice Mayor na ‘walang nagawa’ sa Makati si Cong. Monosur, paratang na ngayon ay maaaring pinagsisihan na ng kabilang kampo dahil malinaw niyang naipakita sa pamamagitan ng isang mahabang listahan ang kanyang record bilang Congressman.

Kompiyansa naman ang mga taga-Makati na ang Congressman nila mula sa District 1 ay hindi tumitigil sa pagtatrabaho sa Kongreso man o sa kanyang opisina sa Distrito.

Pero may nagsabi sa amin na nagulat pa rin sila sa rami ng kanyang nagawa sa loob lamang nang ilang taon sa puwesto. Sampu sa halos 292 na panukalang batas ni Monsour ay nilagdaan na ni Presidente Duterte.

Ilan dito ang mga sumusunod: 1. Tele­commuting Act na may option ang mga kompanya na mag-work from home ang kanilang mga empleyado; 2. Ang Universal Access to Quality Tertiary Education o libreng matrikula at iba pang bayarin sa mga state colleges and universities (kasama ang vocational institutions); 3. Philippine Passport Act na nagdeklarang 10 taon na ang validity ng mga passport (mula sa limang taon); 4. National Sports Training Center Act o ang mandato na makapagpatayo ng isang Olympic-grade na pasilidad kagaya ng Rizal Memorial Sports Complex; 5. Additional Exemption for Senior Citizens Act – na naglalayong bigyan ng mas maraming benepisyo at tax exemptions ang senior citizens.

Marami pang batas na gustong ipasa si Monsour bago matapos ang kanyang termino bilang Congressman ng District 1 ng Makati. Nakitang mas maraming naipasang batas si Monsour nang ihambing sa pinagsamang performance nina Abby Binay, Monique Lagdameo at Luis Campos (na ngayon ay Congressman ng District 2) na nagpakita sa totoong performance ni Monsour.

Idiniin ni Monsour na hindi naman niya gustong ipagyabang pa ang kanyang mga nagawa, pero nasaktan lamang siya sa mga maling akusasyon laban sa kanya dahil alam niyang buong Team Monsour ang naghirap sa kanyang accomplish­ments.

“Let my record speak for itself,” ang laging bira ng mambabatas laban sa mga paninira sa kanya. Bukod sa pagsasabing wala siyang nagawa ay pinagbibintangan din siyang walang alam kundi Taekwondo na isang bagay na ikinagalit naman ng Taekwondo Federation.

“Hindi dapat nila ‘lang’ ang taek­won­do. Isa itong disiplina sa isip, kata­wan at sa gawa. Naka­gawa ako ng maraming batas dahil may disiplina ako mula sa loob hang­gang sa labas!” diin ni Monsour.

Bukod sa pag­ga­wa ng mga batas sa kongreso ay ma­si­gasig din ang kanyang opisina na magbigay tulong sa lahat ng mga nangangai­langang taga-Makati. “Bukas ang pinto ng aming tanggapan para sa lahat ng taga-Makati na nanga­ngailangan ng medical, burial and educational assistance. Marami tayong mga programa na kayang-kayang ibigay kahit kanino — kalaban man sa politika o kakampi — para sa lahat ang mga tulong na ito!” wika ni Monsour.

 

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *