Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janah Zaplan
Janah Zaplan

Janah Zaplan, inihahanda na ang 3rd single

INIHAHANDA na ang third single ng talented na recording artist na si Janah Zaplan. Ito ay pinamagatang More Than That na komposisyon ni Paulo Zarate.

Sa ngayon, ang dalawa niyang naunang single na Di Ko Na Kaya at Mahal Na Kita ay kapwa available sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.

Kuwento ni Janah, “Iyong song po, it’s about sharing to people na may iba pa sa iyo about sa sarili niya po, na hindi lang ako basta-basta… na mayroon pa po akong kayang maipakita at maibigay sa mga tao.”

Idinagdag ni Janah na ang latest single niya ay isang inspi­rational song na makare-relate ang lahat.

Nasabi rin ni Janah na balak siyang i-relaunch bilang singer ngayong summer dahil sa kanyang lalabas na bagong single.

Si Janah ay 16 years old at Grade 11 student sa O.B. Montessori, Sta. Ana. Isa siyang volleyball player, in fact siya ang captain ball ng kanilang varsity team.

Nag-start siya sa showbiz nang pumasok sa Eat Bulaga’s Music Hero, na siya ay naging semi finalist. Pero ayon sa da­lagita, four years old pa lang daw siya ay sumasabak na siya sa pagkanta noon.

Nabanggit niya ang concert ni Jasmien Henry na guest siya. “Bukod sa upcoming single ko po, guest din po ako sa concert ni Jasmine Henry next month. Ang title po ay The Journey Begins concert ni Jasmine na gaganapin sa SM Skydome sa April 26, 8 pm,” aniya.

Bukod kay Janah, kabilang sa special guest dito sina Dingdong Avanzado, AC Bonifacio, at iba pa.

Ayon pa sa dalagitang binansagang Millennial Pop Princess, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin niyang sumabak sa pag-arte. Wish daw niyang makasama ang mga sikat na love teams na tulad ng KathNiel, Liz­Quen o JoshLia, dahil sobrang mga idol niya raw at parang ang saya na makipagtrabaho sa kanila.

Sa nga veteran stars naman daw, sina Vilma Santos at Maricel Soriano ang dream niyang makatrabaho.

“Basta po ‘yung magagagaling na artista, pero to be honest, kahit sino po is fine with me. Gusto ko po kasi sanang ma-experience lahat, hehehe, ang taas ng pangarap, e,” nakangiting saad niya.

Ipinahayag ni Janah na gusto niyang pagsabayin ang singing at acting kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …