Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack, enjoy ka-tandem sa show si Daniel Matsunaga

PULOS papuri ang sinabi ng versatile singer/comedian na si Mojack sa Kapamilya actor na si Daniel Matsunaga. Nagkasamang muli ang dalawa recently, kaya inusisa namin si Mojack kung ano’ng klaseng katrabaho si Daniel.

“Daniel Matsunaga he’s an ideal man talaga, mabait, helpful, magaling mag-show, palangiti, friendly, at bagay kami… mag-tandem sa mga show, hehehe,” nakatawang sambit ni Mojack.

Dagdag niya, “Si Daniel hindi siya ‘yung mareklamo, hindi demanding, hindi maarte o pa-star. Hindi siya tulad ng ibang nega na artista, kaya masarap siya kasama. Ang idagdag ko lang po, caring din siya, kalog at tunay na hunk.

“Heto, planning kami at wish namin pareho na makapag-show kami together sa abroad. Para maiba naman ang timpla at estilo ng performance na masaksihan ng mga kababayan natin abroad, ‘yun po ang napag-usapan namin lately ni Daniel.”

Ano usually ang ginagawa nila sa show? “He can sing na cute guy na parang hinaharana, habang nakatitig siya sa mata at hawak niya ang kamay ng isang audience na talagang kikiligin nang sobra.”

Idinagdag ni Mojack ang mga kababaihan daw, tatawagin pa lang ang name ni Daniel ay nag­titilian na. “Tinatawag pa lang name niya, tilian na kami, nakikisabay din ako, na feel ko isa ako sa audience. Ang sarap ng feeling, who cares mawalan ako ng boses, basta nagawa mong tilian ang isang Daniel Matsunaga. Ang killer smile niya ay super, kaya naaawa ako kay Daniel, kasi bumababa siya sa stage at dumog nang karamihan — pati lolo at lola. Kaya lamog ang Lolo Daniel ko, waaaaa! Charooottt! Hahahaha!”

Pati bading ba, pinanggigigilan si Daniel? “Yes! Minsan ‘di maiwasan na mahawakan sa hindi dapat, just saying kasi we were talking after the show what happened, pero smile pa rin siya. Kasi he knows na ‘di maiwasan sa rami ng taong dumudumog wala siyang ma-blame.”

Isa si Mojack sa mga in-demand sa mga out of town shows. Kaya ngayong election time, magiging kaliwa’t kanan ang kanyang pagkakaabalahan para sa kampanya ng iba’t ibang kandidato.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …