Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gene Juanich, pasok ang dalawang single sa OST ng Spoken Words

DALAWANG singles ni Gene Juanich ang kabilang sa 10 cuts ng OST ng pelikulang Spoken Words. Ito ay released ng Viva Records at isang various artists album.

“Ang titles po is May Nanalo na Besh, upbeat novelty song po siya and Bakit di ko Nakita, na isa pong OPM ballad. Released na po siya in all digital musicstores like iTunes, Spotify, Deezer, Applemusic, and Amazon­music. Iyong official lyric video ng May Nanalo na Besh will soon be uploaded sa Youtube by Viva,” saad ng singer/songwriter na si Gene na naka-base sa Riyadh, Saudi Arabia.

Dagdag niya, “Bale nagge-guest po ako sa iba’t ibang Filcom events dito sa Saudi. Most recently po sa grand opening ng Nesto Hyper­market at Villagio Mall in Riyadh na ki­nanta ko po ang carrier single ko na May Nanalo na Besh. Ako rin po ang manager/voice coach & mentor ni Lara Lisondra sa Riyadh. Kami po ni Lara ay mina-manage po sa ‘Pinas ni direk Ronald Abad ng RLTV Productions.”

Ilang songs na ang na-compose niya? “Bale more or less, nakaka-twenty songs na po siguro. Bale ang music genre ko po is Pop-Ballad.”

Sinong artists ang dream niyang gawan ng kanta someday? “Dream ko po makagawa ng kanta para kina Sarah Geronimo, Erik Santos, Angeline Quinto, Morissette Amon and siyempre po, sa aking ultimate idol na si Ms. Lea Salonga kung mabibigyan po ng pagkakataon dahil sobrang hilig ko po talaga sa Broadway musicals. Sa foreign artists ang mga favorite ko is Michael Buble, Shawn Mendez, Josh Groban, Mariah Carey, at Celine Dion,” esplika ni Gene.

“Nagpapasalamat din po ako sa mga taong sumuporta at tumulong sa akin, like Mr. Ricky Pacquing of Philippine Airlines, KSA, Christian Duff, Friendi mobile, Adonis Tabanda, Direk Ronald Abad, Jorge Demafeliz, at sa parents ni Lara na sina ate Melva at kuya Wilfredo ‘Loy’ Lisondra, Riyadh Elite Dancers, Jeanrose Cabradilla, Albert Gallardo, ambassador Adnan Alonto of Phil. Embassy of Riyadh and the entire embassy staff po.

“Salamat din sa nag-back up dancer po sa akin during my guesting, ‘yung Xtreme Zumba dancers,” aniya.

Sa ngayon ay tinatapos ni Gene ang isa pang kanta para makompleto na ang five songs para sa kanyang solo album under Viva Records.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …