MATAGAL nang isinumite ng OWWA Deputy Administrator na si Arnell Ignacio ang kanyang resignation papers.
Nasa tanggapan na ito ni Sec. Silvestre Bello at patungo na sa Malacañang para sa effectivity nito ng March 1, 2019.
Hindi naman naging madali ang trabaho ni Arnell sa pangangalaga ng ating mga OFW sa iba’t ibang parte ng mundo na madalas ay sa Middle East.
Pero sa rami ng kanyang mga naging karanasan sa pakikipag-usap sa ating mga kababayan na nagtatrabaho roon, pati na rin sa mga may katungkulan sa bawat bansa, ang dami na rin niyang happy moments.
“Sa akin, madali naman ang nagiging pakikipag-usap ko sa kanila. Sa mga head ng mga bansa. Siguro natutuwa rin sila at natatawa sa akin. Kasi iba rin ‘yung lambingin mo sila. Kasi, hindi rin naman lahat eh, matataray. Ang mga parang nakikipag-away na pamamaraan nila ng pagsasalita eh, normal sa kanila.
“Kaya nga rati nasabi ko na dapat, ang mga magtatrabaho abroad as kasambahay or whatever, pumasok muna sa training dito na ituturo muna sa kanila ang kultura ng bansang pupuntahan nila. Para malaman nila mula sa relihiyon, sa pagkain, kasuotan, mga tradisyon ang pinapasok nila. Gaya niyong magrereklamo na hindi sila pinakakain. Hindi nila kinakain ang pagkain ng kung saan sila nagtatrabaho. Ano ang gusto mo, Pinoy food? Eh, nasa ibang bansa ka nga ‘di ba?
“Madalas may mga butas din ang batas kaya hindi magkaintindihan. Pero kapag tinanong mo naman kung babalik pa ba sila roon, oo ang sagot. Tinanong ko rin ‘yung mga asawa. Twenty thousand ang suweldo. Sabi ko, sa halagang ‘yun ipagsasapalaran mo na masaktan ma-rape o mapatay ang asawa o kapatid o sinumang kamag-anak mo? It will boil down sa kitang wala rito.
“I am resigning dahil lang siguro sa kapaguran. Imagine pagmulat ng mata ko, ang makikita ko sa Facebook ko eh, mga ganitong eksena (videos, pics of OFWs problems). Masaya lang ako na aalis ako na kumbaga mission accomplished naman. Dahil lahat ng kinailangan kong puntahan o i-solve eh, nagawa ko naman. Marami nga ang natutuwa dahil may mga naiayos tayo sa nasabing departamento.”
No, hindi uupo as party list nominee si Arnell. Kaibigan niya si Jun Llave ng #31JuanMovement party list. Kaya may mga pagkakataon na inaanyayahan siya sa mga gathering nila.
Nakatutulong din sa puso’t isipan ni Arnell ang makapag-out-of-town, flying in and out of Manila dahil sa pinaka-mabigat na hugot na iniinda niya.
Ang pinagpuhunanan niya ng kanyang Creative Hair System na unica hijang si Sofia o Pie eh, inabandona siya.
“I do not understand. Kilala niyo ako. Kami. All these years. Suddenly, nabago na lang ang lahat. This business is for her. Ayoko na nga lang to delve into that. Ang hirap sa isip. Lalo na sa puso. Ayoko mag-isip ng masama sa mga nakakasama o nasa paligid niya. Am leaving it at that. Mahirap sabihin kung ano talaga ‘yung pakiramdam. Napakasakit. Indescribable. Umiiyak na lang ako.”
Hopefully, makakita si Arnell ng paraan para magka-ayos pa sila ng anak. At ng mga bagay na mas lubos na makapagpapasaya sa kanya sa bawat araw.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo