Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mechanics ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), inilabas na ng FDCP

INILABAS na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mechanics ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 kasunod ng announcement noong January.

Ang ikatlong PPP na gaganapin sa September 12 hanggang 18, 2019 ay eksklusibong pagpa­palabas ng mga pelikulang Filipino sa loob ng isang linggo sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Ang event na ito ay in line sa pagdiriwang ng One Hundred Years of Philippine Cinema na mag­si­simula sa darating na Setyembre.

Naglabas din ang FDCP ng call for applications ngayong taon. Walong (8) Filipino films na magkakaroon ng Philippine premiere sa PPP ang pipiliin at iku-curate ng Selection Committee. Tatlo (3) rito ang mga pelikulang nasa advanced stage of development o production stage, habang lima (5) naman dito ang finished films o films in post-production. Ang deadline ng submission para sa film projects na nasa pro­duction stage ay March 8, 2019. Hanggang May 31, 2019 naman ang pasahan para sa finished films o films na nasa final post-production stage. Ang mga mapipiling pelikula ay tatanggap ng co-production fund na aabot sa P2 million.

Magbibigay ang mga sinehan sa bansa ng dis­counted rates para sa mga estudyante. P180 ang presyo ng tickets para sa mga estudyante sa Metro Manila, at P130 naman para sa mga estudyante sa mga probin­siya.

Mula 2017, ang PPP ay nagtatampok ng award-winning films. Dalawa rito-Birdshot at Signal Rock-ay napili bilang official entry ng bansa para sa Academy Awards for Best Foreign Language Films.

Para sa iba pang impormasyon at guidelines, bisitahin ang www.fdcp.ph.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …