Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya Lopez, special guest sa This Is Me concert ng Belladonnas at Clique V

MAS lalong naging kaabang-abang ang back to back concert ng Clique V at Belladonnas dahil nadagdag sa kanilang special guest ang Kapuso actress na si Sanya Lopez. Makakasama ni Sanya ang iba pang guests na sina Star Music and MOR DJ Anna Ramsey at ang Hashtag members na sina CK at Zeus Collins.

Ang concert na pinamagatang This is Me ay magaganap sa Feb. 23 (Saturday), sa SM North EDSA Skydome, 7:30 p.m. Ito’y mula sa direksiyon ni Robin Obispo, choreography naman ito nina Mia Pangyarihan at Aira Bermudez na mga kilalang bahagi ng Sex Bomb, with Mich Garong, Donald Balbuena, at Jo Ramos na nagdagdag pa sa dance steps ng kaabang-abang na show.

Ngayon ay puspusan ang paghahanda ng Clique V at Belladonnas sa kanilang all-out concert. Ang Clique V at ang Belladonnas ay dalawa sa leading teen groups sa bansa ngayon. Pareho silang nag-e-excel sa pagkanta at pagsayaw, but very soon ay sasabak na rin sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.

Inaabangan din ang mga pasabog na production numbers ng Belladonnas at Clique V. Ayon sa all-female group, “a sexier and bolder” live performance ang kanilang ibibigay na tiyak na hindi malilimutan ng manonood. Ayon naman sa Clique V members, ile-level-up nila ang kanilang performance sa This is Me. Isa sa guwaping na member nito ay inaasahang magpe-perform ng sizzling hot number.

Ang This is Me ay prodyus ng 3:16 Events and Talent Management. Ang tickets ay available sa SM Tickets.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …