Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Robin Obispo, sobrang thankful kay Ms. Len Carrillo

Speaking of This is Me concert na magaganap sa Feb. 23 (Saturday), sa SM North EDSA Skydome, 7:30 p.m., ipinahayag ng director nitong si Robin Obispo ang sobrang pasasalamat kay Ms. Len Carrillo, manager ng Clique V at Belladonnas at lady boss nila sa 3:16 Events and Talent Management.

Aminado siyang ito ang biggest break niya as a director at sobrang thankful siya sa suporta ni Ms. Len. Paano niya ide-describe si Ms. Len? Pahayag ni Direk Robin, “She does not consider ‘yung as a friend, e, ang lagi niyang sinasabi, family, kaya mayroon kaming #FamiLen. So, mas malalim…working with Len kasi, kailangan ibigay mo ‘yung best mo e. Kasi pag nakitaan ka niya ng potential, maliit kang tao, gusto niya lumaki ka. Kaya nagagalit siya kapag mababa ang TF ko. Hahaha!

“She knows how to pay directors and writers, kaya kahit baguhan ka itataas ka niya. Kaya parang nakaka-pressure ‘di ba na galingan ko? Kasi ito ‘yung pressure e – siya ‘yung magbibigay sa iyo e, na kumbaga, ito ‘yung baraha ko, paano mo gagawin iyan? Paano mo lalaruin iyan?

“So, sobrang nai-inspire ako dahil sa tiwala, kasi may tiwalang ibinigay sa akin… so, dapat suklian ko nang maayos na trabaho.”

Ano ang dapat asahan sa concert? “Last year, kung natuwa sila roon sa concert na unexpected ‘yung ginawa ng Clique V, this time mas more, with the collabo­ration nina Sexbomb Mia Pangyarihan at Aira, si Jo Ramos, Donald Balbuena, Mich Garong, pinagsama-sama namin ‘yung mga idea with the help siyempre of Ms. Len. So, medyo surprise… kasi ‘yung title pa lang-This Is Me, parang it’s a group, parang how we will show the people the individuality nila.

“So makikita lalo ‘yung talent nila, ipapakita namin kung ano talaga ‘yung sila. Ni-research talaga ‘yung ipagagawa sa kanila. Mayroong mga simpleng performance o production pero makikita ninyo ‘yung heart, ‘yung heart ng production na ‘yun, na sila iyon,” aniya.

Paano niya ide-describe ang Belladonnas and Clique V? “Iyong two groups na iyan, magka­kasama kami nag-umpisa…So lahat iyan, dreamer. Even me, this is my first major concert na gagawin, although nakapagdirek na ako ng events, pero ‘yung I was given a chance by Ms. Len na magdirek ng show, big deal talaga.

Special guest sa back to back concert ng Clique V at Belladonnas ang Kapuso actress na si Sanya Lopez, Star Music and MOR DJ Anna Ramsey at ang Hashtag members na sina CK at Zeus Collins.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …