Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lizquen

Liza, nagdadala sa LizQuen loveteam

KUNG pag-aaralan ng mga sikat na love team noong araw, may mga grupong sinasabing ang nagdadala ay ang matinee idol o ang artistang lalaki. Una na nga riyan iyong KathNiel, dahil sa totoo lang mas nauna si Kathryn Bernardo kaysa kay Daniel Padilla, at hindi naman siya ganoon kasikat bago sila naging magka-love team.

Ganoon din ang sinasabi nila roon sa JaDine. Matagal na kasi si Nadine pero hindi naman siya sumikat nang ganyan hanggang hindi siya naitambal kay James Reid.

Baliktad naman ang sinasabi nila noong biglang sumikat iyong AlDub. Kasi si Alden Richards ang matagal na sa showbusiness at hindi naman sumikat nang ganoon bago niya nakatambal si Maine Mendoza.

Ngayon napag-uusapan na rin iyong Liz-Quen dahil naging malaking hit ang kanilang pelikula, at aminin natin na matagal nang nauna si Enrique Gilat hindi naman siya sumikat nang ganyan bago siya naitambal kay Liza Soberano. Ibig sabihin, sa love team nila si Liza ang nagdadala.

Kagaya rin iyan ng Guy and Pip noong araw, o noong Vi and Bot. Kaya nga sinasabi noon na ang pinakasikat na matinee idol ay kasing sikat lamang ng kung sino man ang leading lady niya. Bagama’t may mga pagkakataong nabaliktad nga iyan dahil mas sumikat ang actor kaysa leading lady. Pero sa kaso nitong LizQuen, kagaya rin ng AlDub, mas sikat ang leading lady.

Kasi noong lumitaw iyang si Liza, ang napansin agad napakaganda niya eh, at sa totoo lang matagal na tayong walang artistang ganyan ang mukha. Iyong huling magandang mukha na lumitaw ay noon pang panahon nina Dawn Zulueta at Gretchen Barretto. Bago iyon, panahon pa nina Hilda Koronel at Marianne dela Riva. At matapos ang ilang dekada rin, biglang litaw iyang si Liza, kaya naman marami ang nagulat at bigla siyang sumikat.

Ewan kung sino ang aangal, pero kami ang paniwala namin si Liza talaga ang nagdadala sa kanilang love team sa ngayon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …