Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay Mikay, muling magpapakita ng versatility sa Bee Happy, Go Lucky 2.0

ANG tinaguriang Dynamic Duo sa talento at cuteness na sina Kikay Mikay ay muling mag­papakita ng versatility sa youth oriented TV show na Bee Happy, Go Lucky.

Sa FB post ng dalawa ay inimbitahan nila ang mga mano­nood sa kani­lang show na mula sa Social Media Artist and Celebrities (SMAC) Television Production at sa IBC 13 na eere.

Saad ni Mikay, “Iniimbitahan po namin kayong manood ng Bee Happy, Go Lucky 2.0! This coming February 22, every Friday!”

Patuloy naman ni Kikay, “Mapapanood po ito 7:00 to 7:30 sa IBC 13. Dito’y makapapanood kayo ng ibang klase talaga, katulad ng singing, dancing and acting. Marami po kaming segments dito, isa na po ang Dramedy. Ang Dramedy po ay paghahalo ng comedy and drama. Abangan n’yo po iyan!”

Nakangiting hirit ni Mikay, “Kaya ano pang hinihintay ninyo? Watch-watch na po tayo!”

Ilan sa kasama nina Kikay Mikay sa Bee Happy, Go Lucky 2.0! ay sina Rayantha Leigh at Klinton Start.

Humahataw talaga ang career ngayon nina Kikay Mikay. Sunod-sunod kasi ang endorsements nila tulad ng Must Better Krispy mushroom, Erase soap, hand sanitizer ng CN Halimuyak Pilipinas, Switch Limited, located sa 3rd floor The Penthosue SM North EDSA The Block, at iba pa.

Ang dalawang bagets na contract artist ng Viva Artist Agency ay mapapanood din sa mga pelikulang Susi ni Direk Baui Arthur at Tales of Dahlia ni Direk Moises Lapid. May international movie rin na inaabangan sina Kikay Mikay.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …