Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, sinuportahan ng BeauteDerm sa Alone/Together movie

MINSAN pang ipinakita ng BeauteDerm ang suporta sa award winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez sa premiere night ng peliku­lang Alone/Together na tinatampukan nina Liza Soberano, Enrique Gil, at ni Ms. Sylvia.

Si Ms. Sylvia ang itinuturing na lucky charm at original baby ng Beaute­Derm CEO at owner na si Ms. Rei Tan na isa sa sponsors sa naturang premiere night sa Trinoma last Tuesday.

Hindi lang sa sponsor­ship sumuporta si Ms. Rei sa movie na ito na parte si Ms. Sylvia, nag-attend din siya sa premiere night at pati sa kanyang Facebook account ay ipino-promote pa niya ang pelikula na hatid ng Black Sheep at mula sa panulat at pama­mahala ni direk Antoinette Jadaone.

“At napuwing din ako ahuhu!” May fave line from the movie Alone/Together! Bukas na po! Panoorin n’yo napakaganda!” Post ni Ms. Rei sa FB last Feb.13.

Ang lady boss ng BeauteDerm ay kilala sa pagiging supportive sa lahat ng kanyang endorsers/am­bas­sadors tulad nina Carlo Aquino, Arjo Atayde, Matt Evans, Rochelle Barrameda, Shyr Valdez, Tonton Gutierrez, Marian Rivera, at iba pa.

Sa aming panayam noon kay Ms. Sylvia, inusisa namin kung kumusta na ang branch niyang Skin & Beyond by BeauteDerm sa Butuan City?

Tugon ng premyadong Kapamilya aktres, “Ay okay naman, tuloy-tuloy naman. Maganda naman ang Beautederm business natin, masaya ako.”

May plano rin daw silang magkaroon ng bagong branch sa abroad. “May plano, actually dapat aalis ako nitong January. Pupunta talaga ako sa isang lugar, magta-travel ako para sa Beautederm… mayroon na talaga akong kasosyo na naghihintay na, na dapat lilipad ako kasi magmi-meeting na roon, sa ibang bansa ito.

“May kaso­syo kami roon ni Art (Atayde) sa negosyo, pero ang problema is dumating itong movie na Jesusa na kailangan kong tapusin, kasi mayroon akong teleserye. So walang ano, kasi ang teleserye ko Monday, Wednesday, Friday, ayaw ko siyang isabay sa taping ko kasi kailangan kong mag-concentrate sa bagong teleserye. Kung umpisa pa lang mayroon nang kaagaw sa utak ko ‘yung teleserye, baka mahirapan akong mag-focus sa character. So kailangan tapusin ko na muna ito bago ako umalis ng Australia,” esplika ni Ms. Sylvia.

Incidentally, congrats sa mga nasa likod ng pelikulang Alone/Together dahil sa lakas na ipinakita nito sa takilya na kumita ng P21,672,901.58 sa opening day.  Tiyak na lalo pang lalakas itong LizQuen movie sa mga susunod na araw.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …