Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James Merquise, natupad ang dream na makasali sa FPJ’s Ang Probinsyano

LABIS ang kagalakan ni James Merquise dahil finally ay natupad ang dream niyang maging bahagi ng top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibid­ahan ni Coco Martin.

Saad ni James, “Sobrang masaya po ako dahil nakasama na rin po ako sa Ang Probinsyano bilang isa sa mga tao po ni Homer (Jhong Hilario).”

Anong ma­sa­sabi niya kay Jhong? “Mabait po si idol Jhong Hilario, super-bait po niya. Na­katutuwa nga po, kasi kahit nagpa­pahinga siya sa tent niya ay pumayag siyang magpa-picture sa amin ng isang kasama ko na tauhan din niya sa serye, as goons din po.”

Ipinahayag din ni James na umaasa siyang makaeeksena rin dito ang idol niyang si Coco.

“Oo nga po, natutuwa ako dahil finally ay naisama rin ako sa TV series ni idol Coco Martin na number 1 sa buong Filipinas and one of the longest running teleserye on TV… I hope tumagal po ako sa Probinsyano at makaeksena ko si Direk Coco.”

Thankful din siya sa Golden Tiger Films at kay Direk Anthony Hernandez dahil nakapasa siya sa ginawa nilang audition recently.

“Tanggap po ako sa Golden Tiger Films, isasama raw po ako ni direk Anthony Hernan­dez sa mga movies nila, na ang start po ng shooting ay this March,” masayang sambit pa ni James.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …