Thursday , May 15 2025

Karapatan binatikos si Duterte sa pag-aresto kay Maria Rezza

KINONDENA kahapon ng human rights watch­dog Karapatan ang administrasyong Duterte kaugnay sa pag-aresto sa CEO at executive editor ng Rappler sa kasong cyberlibel.

Ayon sa Karapatan, ang kaso kay Maria Rezza at sa Rappler ay malinaw na isyu ng freedom of expression sa bansa.

Kinuwestiyon ni Karapatan secretary general Cristina Palabay ang Malacañang na nagsabing ang pag-aresto ay walang kaugnayan sa freedom of expression at sa pagsupil sa karapatan ng media.

“The Ressa episode is indicative of a vindictive government which is intent on dominating all forms of media with its own twisted narratives, while simultaneously cutting off any platform for others to express alternative opinions. Evidence-based findings that prove critical to the anti-people campaigns of the regime are shut down while fake news and deliberate lies are massively peddled by state-backed keyboard warriors,” pahayag ni Palabay.

Giit ni Palabay, ang pag-aresto at pagsa­sampa ng kaso kay Maria Rezza ay patunay na ang Anti-Cybercrime Act kasama na ang criminal­ization ng libel ay ginawa para ipitin ang mga kritiko ng administrsyong Duterte.

Pinatunayan aniya ng pag-aresto kay Rezza na ang administrsyon ay handang supilin ang kara­patan ng media sa pamamagitan ng baluktot na hudikatura.

Inaresto si Rezza, Miyerkoles ng hapon sa kasong cyberlibel kaugnay ng paglabas ng isang balita patungkol sa pagga­mit umano ni dating Chief Justice Renato Corona ng mga mama­haling sasakyan na pag-aari ng isang Wilfredo Keng.

Ayon kay Erin Tañada, abogado, na tumatakbo para senador sa ilalim ng oposisyong Otso Diretso , lumabas ang balita sa Rappler bago pa naging batas ang Anti-Cybercrime Law.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *