Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Singsing ni Sarah, napakaliit para maging engagement ring nila ni Matteo

MUKHANG totoy pa rin si Matteo Guidicelli kahit na 28 years old na pala siya. Ang girlfriend naman n’yang si Sarah Geronimo ay 30 na pala pero mukhang nene pa rin naman.

Malamang na dahil sa mga edad nila kaya panay ang puna at kantyaw sa kanila tungkol sa umano’y pagiging lihim na engaged na nila.

May pinagdidiskitahan ang media at ang netizens na ebidensiya ng pagiging engaged na raw ng dalawa: isang singsing na mukhang laging suot ni Sarah at nakikita sa mga litrato na ipino-post n’ya sa Instagram  o ipino-post ng fans nila.

Kamakailan, nagkaroon ng pagkakataon ang media na kulitin na naman si Matteo tungkol sa umano’y pagiging engaged na nila.

Na-corner nila ang actor-car racer noong pumirma ito ng kontrata para, gaya ni Sarah, ay ang Viva Films na rin ang naging talent manager n’ya.

Masyadong maliit naman ang singsing para maging engagement ring nila!

Oo nga naman, masyadong mayaman naman si Matteo para bigyan ang love of his life ng maliit lang na singsing!

Happily, inamin ni Matteo na simula na ng “future together” nila ang desisyon n’yang lumipat sa Viva mula sa Kapamilya Network.

Heto ang mga hugot at tsika ni Matteo tungkol sa kanila ni Sarah:

“We’ve been together for several years, and the relationship has matured, and I think it’s still maturing. It’s not yet perfect, and it’s never going to be perfect. But we’ve been learning so much from each other.

“Sarah has grown to be a really strong independent woman. She is continuing to do that. That’s why we’re in the same management, para hopefully in the future, we could be more efficient together and really do something cool together.”

Asked whether “settling down” with Geronimo is coming anytime soon, Guidicelli answered: “Hopefully. That’s the long-term, dream goal. One day, we’ll see.”

Sina Sarah at Matteo ang pinakadisenteng love team sa Pinoy showbiz ngayon. Wala silang malalaswang pictorial na magkasama o solo. Wala rin silang malalaswang stolen shots na naglilingkisan na parang mga sawa na sabik sa isa’t isa.

Kapuri-puri rin na ‘di sila nagmamadaling magpakasal kahit na pareho silang ‘di na bata at parehong napakalaki na ng kinikita.

Anuman ang pintas at taray ng mundo sa mga magulang ni Sarah dahil sa mistulang pagpapa-trabahong-kalabaw nila kay Sarah, walang dudang napalaki nila si Sarah na maging napakadisente at napakagalang. Parang ni hindi nga siya materyoso at ‘di kinuwestiyon kung sino man kung magkano na nga ba ang kinita n’ya sa pagtatrabahong kalabaw.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …