Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine paeng benj

Career nina James at Nadine, parang binuhusan ng malamig na tubig

EWAN pero parang binuhusan ng malamig na tubig ang career nina James Reid at Nadine Lustre. Noong araw, sila ang matinding katapat niyong KathNiel at sinasabing neck to neck ang labanan nila. Naging best seller pa ang isang librong sila ang laman. Pero pagkatapos niyon unti-unti na yatang nawala ang dalawa.

Ang huli naming narinig, nag-celebrate sila ng kanilang third anniversary kamakailan lang bilang totoong mag-syota. Ang kanilang huling pelikula ay iyong Better Not Love You, na inilabas noon pang nakaraang taon at hindi na nasundan. Naging kontrobersiyal pa iyon dahil sa sinasabing “naging problema ng kanilang director.” Pagkatapos niyon, isang concert na lang ang kanilang ginawa, na hindi rin naman masasabing ganoon kalaki.

Iyong huli nilang serye sa telebisyon ay natapos na noon pang 2017. Hindi na rin nasundan iyon. Sinasabi noong una na kulang sila sa panahon para sa isang serye. Tapos sinasabi naman na inihahanap na sila ng magandang project na mukhang hindi na matagpuan.

Ano nga ba ang problema ng JaDine?

Una, sinasabing ang kanilang popularidad ay naapektuhan ng biglang popularidad noon ng AlDub. Pagkatapos naman niyon, marami nang nabuong iba pang love teams. Mukhang totoo naman na nagkaroon ng problema iyang JaDine dahil sa mga sunod-sunod na reklamo rin sa kanila noon. Hanggang sa tuluyan na ngang kumawala ang popularidad ng KathNiel at naiwan na silang lahat.

Sinasabi ring siguro nawala na rin ang excitement sa kanila dahil sa kanilang maagang pag-amin na magsyota na nga sila, at sa mga usapan noon na nagli-live in na sila. Alam naman ninyo ang fans, nagagalit basta hindi nagkatuluyan ang gusto nilang love team, pero basta naman natuluyan na nagsasawa na rin sila agad.

Kapansin-pansin din na tumaba na si James, nag-mature masyado ang hitsura. Hindi na siya cute.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …