Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Uno Santiago, bilib sa galing ni Sylvia Sanchez

INTRO­DUCING ang newcomer na si Uno Santiago sa pelikulang Jesusa na mula sa pamamahala ni Direk Ronald Carballo. Ito’y prodyus ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management) na pag-aari ng magkapatid na sina Jean Rayos-Hidalgo at Junnel Rayos.

Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez. Ano ang masasabi ni Uno sa premyadong Kapamilya aktres?

Saad niya, “Ms. Sylvia is a very good actress. She’s very nice and supportive po sa akin. Noong una po, I got intimidated dahil first movie ko po and si Ms. Sylvia ang kaeksena ko, pero na-relax po ako when Ms. Sylvia told me that it’s okay to commit mistakes. It’s natural.

“Kinabahan po ako at first, pero nawala po ‘yun noong pinangaralan niya po ako. She’s very supportive dahil inaalalayan niya po ako. Sabi niya po sa akin na huwag daw akong kabahan dahil kapag kabado raw po, hindi ko maibibigay ang best ko. And it’s true, with her guidance, nai-deliver ko po ang mga linya ko nang maayos,” nakangiting wika ni Uno.

Ano ang papel niya sa movie? “Ako po si Karlo rito, volunteer sa rehab na gagabayan si Jesusa. Mabait na tao si Karlo and commited siya na tulungan ang mga under the influence of drugs.”

Ang iba pang nasa casts ng Jesusa ay sina Allen Dizon, Ynez Veneracion, Mara Lopez, Empress Schuck, Malu Barry, Vince Tañada, Mon Confiado, at iba pa. Planong itaon ang showing ng Jesusa sa Mother’s Day.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …