Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasay establishments positibong tumugon sa LLDA at DILG

TINUGUNAN ng mga establi­simiyento sa Pasay City ang kakulangan sa wastong pagtata­pon ng tubig sa pamamagitan ng pagpapatayo ng sarili nilang pasilidad para sa water and waste treatment.

Nabatid na karamihan sa mga establi­simi­yentong iniutos na isara ng Laguna Lake Develop­ment Authority (LLDA), ang tanggapang nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay nabigyan ng babala noon pang Setyembre ng nagdaang taon kaya’t walang dahilan upang hindi nila matugu­nan ang nararapat na panuntunan.

Ilan sa mga establisimiyento sa Pasay City na binigyan ng “notice of closure” ang HK Sun Plaza, Tramway Bayview buffet restaurant, Gloria Maris Sharks­fin Restauraunt, Euni­verse Entertainment, D Circle Hotel, Malate Bayview Mansion, Summit Ice Inc., at marami pang iba.

Ayon kay Lolita Borja, general manager ng Euniverse Entertainment, ipinakita niya ang ipi­natayo nilang water treatment facility na sini­mu­lang gawin noon pang Nobyembre ng nagdaang taon at ginastusan ng milyong halaga ng salapi upang matugu­nan ang panuntunang ipinaiiral ng LLDA at DILG.

Aniya, hindi pa nasisimulan ang waste treatment na ipatata­yo rin nila, handa na silang sumailalim sa pani­bagong inspeksiyon ng LLDA upang patunayan na sumu­sunod sila sa inilatag na panuntunan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Ipinakita rin ni Borja ang isinara ng LLDA na daluyan ng waste water na hindi nila ginalaw upang patunayan na handa silang sumunod sa mga panuntunan.

Nagsimula na rin magpatayo ng kani-kanilang sariling water at waste treatment facilities ang ilan pang establisimiyento sa lungsod ng Pasay  upang matiyak na mali­nis ang tubig na dadaloy patungo sa Manila Bay.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …