Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Dino Aiza Seguerra
Liza Dino Aiza Seguerra

Liza, ‘di ‘kadugo’ ang ipagbubuntis

SIGURO nga, masasabi ring anak na nila iyon ni Liza Dino, dahil kung sakali siya ang magdadala niyon sa kanyang sinapupunan, pero kung iisipin hindi rin eh. Kasi nagmula ang binhi ng babae kay Ice Seguerra. Ang magfe-fertilize niyon ay sperm ng napili nilang sperm donor mula raw sa America.

Sa America kasi may mga tinatawag na sperm bank. May mga lalaking nagdo-donate ng kanilang sperm, inilalagay iyon sa isang sperm bank, naka-freezer iyon, at oras namang may babaeng gustong magkaroon ng anak na walang kakayahan ang asawa, roon sila kukuha ng donor.

Malaki ang bayad sa sperm bank. Una iyong mga donor, may natatanggap din naman iyong bayad. Kilala rin ang kanilang identity para makapili ang recipient kung sino at ano ang hitsura ng sperm donor na gusto niya.

May naniniwala kasi na ang hitsura, at maaaring maging ang character ng totoong tatay ay namamana ng magiging anak niya, kanino mang sinapupunan iyon itanim. Hindi ba maski na sila sinasabing namili ng isang matangkad na sperm donor para hindi naman kasing laki ni Ice ang kanilang maging anak.

Isa pa, kailangang maging malakas ang sperm ng lalaki, at sariwa naman ang egg cell ng babae para mabuo iyon sa laboratory, at maisaksak naman sa sinapupunan ng isang babae. Kung hindi uulitin pa ang tusok. Usually may naihahanda naman silang mga apat o limang “fertilized egg cells” ng isang babae mula sa sperm ng donor, para kung hindi nga mabuo sa una, may mapagkukunan pa.

Sa sistemang iyan, maliwanag na ang egg cell galing kay Ice, at iyong sperm ay galing sa isang donor. Sa halip na kay Ice, ipapasok ang fertilized egg kay Liza para siya ang magbuntis. Pero siya man ang nagbuntis, wala siyang lahi roon sa fetus na iyon. Pero kung ang paniniwala nila ay siya naman ang nagbuntis kaya anak niya iyon, eh ‘di sige na lang. Bahala sila. Pera naman nila ang ginagasta nila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …