HAPPY si Ricardo Cepeda sa pagiging bahagi niya ng SPVTOP Int’l Inc., na nagkaroon ng launching last January 19. Siya ang brand ambassador at consultant ng naturang kompanya na distributor ng itinuturing na genius products para magbigay ng pagkakataon sa lahat na magkaroon ng financial success.
Present sa naturang event sina Brick Agcopra, SPVTOP Int’l President and General Manager; Finance Officer Leila Agcopra, Operations Manager; Archemedes Miclat at ang iba pang endorsers tulad ng aktres na si Marina Benipayo.
Partikular sa product na ito ang G-Power Patch na kayang pababain nang more or less 30% ang bill sa koryente.
Gaano na siya katagal endorser ng kompanyang ito? ”A little more than a year, last year ako kinausap to join the company, when they expanded. Nag-start ito as a loading company, ‘yung pre-paid load. So nang na-testing namin ang products, ang kagandahan nito, they work almost immediately. So, may nakikitang tangible results talaga,” sambit ni Ricardo.
Part owner ba siya ng company? “No, but I also do sales. Iyong system is like, direct selling, except the market place is you register for free and then you promote the site and the products. People who buys the products can pay COD, ide-deliver sa kanila. Now dahil galing sa recommendation mo – may code, ipadadala na lang sa iyo ‘yung profit. Pero wala kang puhunan, kumbaga ay nakitsismis ka lang, tsismis na may bayad.”
Puwede na ba siyang mag-retire sa showbiz dahil sa SPVTOP International? ”Well, iyong nangyayari kasi sa showbiz, I enjoy it, it’s fun, but it’s not my bread and butter. Kumbaga, marami na akong bread and butter… kumbaga ito ‘yun, it provides us the opportunity to be relaxed. Hindi kailangan tanggap nang tanggap ng every project left and right, kahit minsan ay pangit naman iyong project. So having your own business allows you to make better choices,” wika ni Ricardo na sa ngayon ay napapanood sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko.
Ang ilan pang produkto o services ng SPVTOP International ay G-Webphone App, G-Bio Energy, G-Minds or Genius Minds, G-Web Mall, at marami pang iba. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang kanilang official website SVPTOP.COM at bumili ng products sa kanilang official retail site SPVTOPMARKET.COM