KABADO si Angel Locsin dahil sa kanya nakatutok ang mga tagahanga sa pinagbibidahang The General’s Daughter ng Kapamilya.
Excited din ang dalaga dahil kasama sa cast ang mga hinahangaang artista noong araw, isa na si Maricel Soriano.
Sina Angel at Maricel ay parehong matagal nabakante sa teleserye kaya malaki ang expectations ng mga manonood. Sa ipakikita nilang pagganap, walang kupas ang beauty ni Angel kaparis pa rin siya noong araw nang mapiling Miss Caloocan sa panahon ni Vice Mayor Gigi Malonzo, lovely wife ni Rey Malonzo.
Ilang eksena sa Ang Probinsyano, matapang
NAPAKATAPANG namang panoorin ang mga eksena ng Ang Probinsyano. Imagine, ang dating aktres/singer na si Eva Vivar na gumaganap sa serye ni Coco Martin ay binaril at napatay sa eksena noong yakapin ang asawang barangay captain.
Mistulang massacre kung pagbabarilin ang mga magsasaka at mahihirap na tao sa barangay Sto. Nino.
May nagtatanong nga kung bakit ganito katapang ang mga eksenang pakita sa Ang Probinsyano. Paano iyon nakalulusot sa MTRCB?
Sa maseselang eksena, no wonder maraming nanay na ang umaatras at pumipigil sa mga anak nilang manood. Ayaw nilang makapanood ng mga brutality sa telebisyon.
Monsour, ibabalik ang action movie
PANGARAP ni Cong. Monsour del Rosario na maibalik ang action na roon siya nakilala. Dating Olympic Taekwondo champion si Monsour bago nag-showbiz.
Sa darating na eleksiyon, tatakbong vice mayor ng makati si Monsour ka-tandem si Jun Binay.
Escolta Boys, lalabas sa Ang Probinsyano
MALUNGKOT ang naging reunion ng grupong Escolta Boys nina Leo Lazaro, Jeric Vasquez, Gerry Roman, Ariel Araullo, tatay ni Lovely Abella ng Kapuso at Dennis Isla noong magkita-kita sa burol ng inatake nilang ka-grupo, si Arnold Esguerra sa Lambac, Pulilan, Bulacan.
Namataan naming kahit pala mga lalaking barako ay marunong ding lumuha kapag ganitong pagkakataon.
Aktibo pa rin ang grupo at nakatakda silang mapanood sa Ang Probinsyano directed by Perry de Guzman at Senator Lito Lapid.
Amanda, mapapanood sa Salamat Doc
SA January 26 mapapanood si Amanda Amores sa programang Salamat Doc ng ABS-CBN. Ipakikita ni Amanda kung paano magluto ng tikoy para sa nalalapit na Chinese New Year.
Happily married si Amanda sa Vice Chairman ng Sto. Domingo.
Rhene Imperial, tinanggihan ang role na drug lord
MAY offer palang tinanggihan ang actor/producer/director na si Rhene Imperial para sa teleseryeng Ang Probinsiano.
Drug lord ang alok kay Rhene pero inayawan dahil isa siyang aktibong preacher.
***
BIRTHDAY greetings to January born—Hilda Koronel, Drew Arellano, Shirley Tesoro, Karen Villar, Mario Bautista, Ronald Rafer, at Michael Vecerro ng SM Baliuag.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales