Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VJ Mendoza, thankful kay Direk Perci Intalan

SHOWING na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Born Beautiful na tinatampukan ni Martin del Rosario with Kiko Matos, Akihiro Blanco, Chai Fonacier, Lou Veloso, Elora Espano, VJ Mendoza, at iba pa. May special participation sa movie ang versatile na si Paolo Balles­teros.

Isa sa kagigiliwan sa peliku­lang ito ni Direk Perci Intalan ay si VJ. Inusisa namin siya kung ano ang role sa movie at kung pang-ilang pelikula na niya ito.

Saad ni VJ, “Gumaganap ako rito bilang si Princess, ang BFF ni Barbs na not so brainy but oh so very pretty!”

Dagdag niya, “Last year po nakagawa ako ng So Con­nect­ed for Regal Films, tapos Kung Paano Siya Nawala from TBA Studios. Pero so far, ito na po ang pinakamar­kadong role ko sa pelikula.

“Nagsimula po ako sa commercials, hanggang ngayon mayroon po akong naka-air like Selecta Cornetto at Manulife. I think nagsimula po ako sa showbiz back in 2013, tapos nagsimula ako mag-TV mga thgree years ago.”

Paano niya ide-describe ang kanilang pelikula? “Ang pelikula ay tungkol sa finding happiness in who you are, na hindi mo kailangan magbago para maging masaya ka.”

Ano ang masasabi niya kina Martin at Direk Perci? “Si Martin ay napakagaling na aktor talaga. And nag-work na sobrang finesse iyong atake niya kay Barbs. Salamat kay direk Perci sa opportunity na mapabilang sa sequel na ito. I think nag-grow ako as an actor, after this I wish ay patuloy kong mai­bahagi ang aking art thru films.”

Hatid ng Cignal Entertainment, Octo­bertrain Films at ng The IdeaFirst Company, ang Born Beautiful ay ma­papanood na sa mga sinehan starting today, January 23, at may R-16 rating ito kaya palabas din ito sa SM cinemas.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …