Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

Maine, gustong iburo ng fans

NOONG unang nabalita na kaibigan ni Maine Mendoza si Sef Cadayona at nagpunta siya sa bahay niyon at nagkatuwaang magkantahan, aba katakot-takot na paninira agad ang inabot ni Sef. Galit na galit sila kay Sef kasi nanliligaw daw kay Maine.

Maski si Maine sinisiraan nila, hindi na raw nahiya at siya pa ang nagpunta sa bahay nina Sef.

Ang sumunod, galit na galit na naman sila kay Juancho Trivinio, kasi nakita nila kasama ni Maine na nanood ng isang concert, at may suspetsa na silang nanliligaw iyon kay Maine.

Ngayon ang pinuputakti na naman nila ay si Arjo Atayde, kasi sinasabing nanliligaw iyon kay Maine. Lalo pang nagpuyos ang galit nila nang maging guest si Arjo roon sa show ni Vice Ganda at diretsahang tinanong kung, “jowa mo ba si Maine?” Sumagot ng “no” si Arjo, at ang nangyari nakoryente siya sa “lie detector machine.”

Galit na galit na naman ang mga taong ang gusto yata ay ilagay sa isang garapon si Maine, lagyan ng asin at gawing buro. Ewan namin kung nagpapa-boost pa sila ng kanilang posts na naglalaman ng galit, pero siyempre pinapatulan naman sila ng mga pra la la nila.

Sabihin nga ninyo, ano ba talaga ang gusto ninyong mangyari kay Maine? Gusto ninyo siyang iburo?

Masarap ang burong dalag, lalo na nga iyong burong hipon na kung tawagin sa Pampanga ay balo-balo, lalo’t may sariwang dahon ng mustasa at sasabayan mo ng malutong na pritong hito. Pero si Maine, gagawin ninyong buro? Huwag naman. Ang ganda-ganda niyong bata buburuhin ninyo?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …