PINAKIKILOS ng Palasyo ang Department of Foreign Affairs at embahada ng Filipinas sa Amerika upang silipin kung may basehan ang naging hakbang ng Estados Unidos na huwag munang mag-isyu ng working visa sa mga Filipino hanggang isang taon.
Kasunod ito ng naging direktiba na inisyu ng US Department Homeland Security bunsod ng umano’y paglala ng mga kaso ng overstaying ng mga Pinoy at pagkakadawit sa isyu ng human trafficking.
Nagsimula ang one year ban nitong nakaraang 19 Enero at magtatagal hanggang 18 Enero 2020.
(ROSE NOVENARIO)